Word Poetry Challenge #10 : "Pangarap" | Ang aking lahok
Katha ni :marigen aka @greatwarrior79
Noong ako'y musmos pa lamang,
Wala akong iniisip kundi maglaro kasama mga kaibigan.
Parang kaysaya ng aking mundo at kayligaya,
Walang iniindang problema,kasi andyan naman si ama at si ina.
Ngunit dumating ang araw na ako ay nagkaisip,
Tila baga'y nag iba ang aking pag iisip.
Di na paglalaro ang laging nasa isip,
Kundi paano ako makakatulong sa magulang ang aking iniisip.
Sa aking pag iisa nalaman ko ang salitang pangarap,
Yung bang iniisip mo ang mangyayari sa hinaharap.
At dahil din sa pangarap,naintindihan ko ang salitang pagsusumikap,
Kaya pala naman si ama't ina ay todo kayod sa pagtrabaho kahit na mahirap.
Pagsisikap nila na ako'y magkaroon ng magandang buhay,
Pangarap din nila sa akin ang magkaroon ng pamilyang matiwasay.
Upang bago man lang daw sila humimlay,
Ay mayroon silang makita at maiiwang katas ng tagumpay.
Kaya dapat nating pasalamatan ang ating mga magulang,
Na nagpupursige na pangarap natin ay makamtan,
Dahil walang magulang na nangagarap para sa ating kapahamakan,
Kundi ang pangarap nila na mapabuti ang ating kalagayan.
[Lolo't lola ko na nagpalaki sa akin at nangarap ng magandang buhay para sa akin.😢Salamat po ng marami sa inyo utang ko buhay ko sa inyo kung anuman mayron ako ngayon. Alay ko sa inyo ang tulang ito]
Ito po ang lahok sa inyong patimpalak ginoong @jassennessaj at sana po nagustuhan nyo ang aking simpleng kathang tula para sa patimpalak po ninyo. Nagpapasalamat ako sa patimpalak na ito kasi marami makatng pilipino ang naiilalabas ang pagiging makata!Mabuhay po tayong lahat at gudluk po sa lahat ng kalahok.😊
Marigen aka @greatwarrior79