Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan

in #wordchallenge6 years ago (edited)

BlogPostImage
Pinagkuhanan ng larawanDito

Sa isang lugar na maingay
Mga tao'y labas pasok ng walang humpay
Iba't ibang dahilan at pasanin sa buhay
Dala-dala ay pighati, lungkot at lumbay
Ang iba ay ligaya at sayang walang kapantay.

Sa bawat pagdagsa ay may kanya kanyang dala
Sa kanilang mga mukha'y dito makikita
Ang magkahalong lungkot at saya
May galak at bigat sa puso ang kanilang nadarama
Sa pagsalubong ng mga mahal nila.

Sa kanilang pagdating at sa paglisan
Ang pabaon ay mga matang luhaan
At mahigpit na mga yakapan at halikan
Kasabay ay hiyawan at iyakan
Bunga ng tuwa at kalungkutan.

Sa bawat pagtatagpo ay may kaakibat na dahilan
Mga samo't saring kaganapan sa terminal ng paliparan
Ang paglapag at paglipad ng eroplanong sasakyan
May taong sasalubong at may maiiwan
Ang pamilya, mahal sa buhay at mga kaibigan.

Isang lugar na maingay at dito ang itinakdang tagpuan
Mapabanyaga man o ating kabayan
Ang pagdating ay aasahan
At maging sa kanilang paglisan
Dala-dala ay kalungkutan at kasiyahan.


Ang akdang ito ay ilalahok ko para sa patimpalak na gawa ni Sir @jassennessaj.
"Word Poetry Challenge #8". Tema : "Tagpuan" | Tagalog Edition

Maraming salamat, hanggang sa muli.

Please support @surpassinggoogle as a witness, Please vote him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.


(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.


(logo created by @bloghound)

Ilocano ak, Proud nak.

@jhunbaniqued)

Sort:  

Nakakamangha ang iyong gawa ginoong @fherdz. Sana isa ito sa mga manalo.😊gudluck po.

Naku! sana nga hehehe, Salamat sir sa pagbisita. @blessedsteemer, nakakabless naman pangalan pa lang.

sali ka ulit weekly yan hehehe ngayon lang ulit me nakagawa.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63901.15
ETH 3133.40
USDT 1.00
SBD 4.05