"Word Poetry Challenge #2". Tema : "Huling Sayaw"
pinagkunan ng imahe
Langhapin ang sariwang hangin sa may palayan.
Dito sa ating makasaysayang tagpuan
Mga musika natin ay mga ibong nag-aawitan.
Mga pangako at sumpaang walang hangang.
Saksi ang malaking bato sa ilalim ng matayug na puno
Nakaukit doon ang pangalan natin sa gitna ng hugis puso.
Doon sa ating tagpuan naghihintay at nag-aabang,
Pagbabalik mo’t sagutin ang mga katanungan.
Isang araw ika’y aking nadatnan
Naka upo't luhaan sa tabi ng ating naka ukit na pangalan.
Higpit ng yakap mo'y muling naramdaman,
Sa bisig ko’y muling kitang nasumpungan.
Ngunit dampi ng halik, kasabay ang pag patak ng luha mo,
Haplos sa aking puso'y may kirot at panlulumo.
Sa musika ng mga ibon sumasabay sa hanging amihan,
Tila alon sa’tin ay dumuduyan at nakagawiang nating sabayan.
Pamilyar na galaw ay dahan-dahang sinayawan at inindakan,
Kasabay ng pagsayaw ay pag agos ng luhang pamamaalam.
Ang huling sayaw ng mga pusong nangungulila,
Dahil ito na pala ang huli na nating pagkikita.
Babaunin nalang sa alaala...
Dahil bukas ikakasal ka na...
Sa maging ama ng sanggol na iyong dinadala.
Maraming salamat, hanggang sa muli
Ito ang aking entry sa #wordchallenge #2 sa temang "Huling Sayaw" ni Sir. @jassennessaj.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
malupit ang tula.. naramdaman ko..hehe
Maraming Salamat kabayan @mrnightmare89, good luck sa ating lahat.
Tagos hanggang sa buto. Ang sakit. Ang galing!
Salamat. pero mas malupit gawa mo kabayan.
Ayos! Mabalin ka nga makata.
Hehehe di naman ate.
galing mo fherdz 😊
hahaha salamat mam. magaling tayong lahat. Patulahin na ate Caths hehehe
Matulala ak mr.president hahaha
Hala sya! Ikaw na talaga ang hugutero pati sa huling sayaw may baon parin hahaha
Hala sir. mas hugot sayo hehehe. salamat sa pagbisita.
Hahhahaha nako nako hugot na hugot ba? Mag-iisip ako ng hindi masyadong hugot sa ssusunod.
Nalpas na nalpas