"Word Poetry Challenge #14: Realisasyon"

in #wordchallenge6 years ago

images (29).jpeg


Ang karamihan sa atin,
Mga pangarap ay malalalim,
Para ang lasap nang tagumpay ay maatim,
Gagawin ang lahat kahit sa dilim
.

Mahalaga ang mangarap,
Nagpapabago ng buhay na kay saklap,
Kaginhawaan na sa ating pamilya'y nararapat,
Pagod na sa buhay na kay salat at hirap
.

Peru sa mundong ating ginagalawan,
Kahirapan ang nilalarawan,
Mga dukha ay nagkukumpulan,
Mga pangarap ay walang pinapatunguhan
.

Mga realisasyon kay hirap,
Na sa aking puso ay nagpapabigat,
Gobyerno nating napakadamot,
Mga tulong ay pinagyayamot
.

Politikong nagpapakasasa,
Sa kayamanan nang mamamayang nagdudusa,
Mayayamang walang paki,
Sariling pera ang iniintindi
.

Mundo'y nagiging malupit,
Dahil sa mga tao'ng walang malasakit,
Realisasyon sa kanila'y ipilit,
Realisasyon kaming mga dukha ang umiimpit
.

August 28, 2018
4:32 PM

Orihinal na Komposisyon

Aliza C. Ababon

larawan nakuha sa google

Ito ang opisyal na tula ko para sa paligsahan ni @jassennessaj.

Sana ay inyong magustuhan!

Salamat po 😊😊😊

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 61787.88
ETH 2991.71
USDT 1.00
SBD 2.48