Word Poetry Challenge #13 : Pilipinas
Sa paglipas ng panahon
Hindi namamalayan
Mga kaugalian ng nakaraan
Wala ng bakas sa kasalukuyan
Mga banyagang tayo ay sinakop
Mas pinahalagahan ng kapwa Pilipino
Hindi na mahalaga kung pula o asul
Ang nasa taas ng bandila
Ni wala ng makita ang tatlong bituin
At isang araw
Ni ating kalahi ay lumuluha na ng dugo
Ngunit tayo lamang ay nakatingin
Walang magawa kundi tumitig nalang
Pilipinas, o aking mahal na bansa
Onti-onti ka nilang hinubaran
Sa inosente mong diwa
Pasensya ka na, aking Pilipinas
Ako din ay isang hamak na paslit
Mangmang din sa nagaatubiling panganib
Ngayo'y wala na ang iyong kislap
Ngunit sana'y hindi matangay
Ng mga balatkayo
Ang natitira mong perlas
At ipagdasal na lamang
Na darating ang araw
Pilipinas ay maging masigla ulit
Kalimutan ang nakaraan muli
Photo is owned by me.