Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya

in #wordchallenge6 years ago (edited)


source

GINTONG MEDALYA

Mahal, alam mo ang aking saloobin
Wala akong yamang maihandog sa iyo
Tanging pagmamahal lamang ang maipangako ko
Pangakong higit pa sa gintong medalya

Ikaw ang nagbigay buhay sa alabok kong katawan
Ikaw ang aking gabay sa bawat sandali
Ang lahat ay nagmula Sayo
At magwawakas din Sayo

Ang lahat ng Iyong pagpapala
Mga biyayang ipinagkaloob Mo sa akin
Ako ay nabubuhay hindi para sa sarili lamang
Ako ay may pananagutan din sa aking kapwa

Sa paglipas ng panahon
Tulad ng mga dahong nalalagas
Kulay kumukupas sa sinag ng araw
Bawat kwento ay nagwawakas

Ngunit ang pagibig Mo ay hindi kukupas
Hindi lilipas at lalong hindi magwawakas
Ako ay alikabok lamang sa pintuan
Ako ay wala at Ikaw ang lahat

Sa pagdating ng panahon ako'y kailangang lumisan
Sa mundong ito kung saan ako ay iyong binigyan ng buhay
Di ko man nakamit ang gintong medalya upang ialay sa iyo
Ang malinis kong puso ang tanging maihandog sa ating paghaharap

by diosarich


Ang tulang ito ay ang magsisilbi kong kalahok sa patimpalak ni @jassennessaj. Sa mga nais sumali, basahin lamang ito:
Word Poetry Challenge #3. Tema : Gintong Medalya | Tagalog Edition


image.png

☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆ ☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆

Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box

You can also give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy
Please support his project as well, which is @teardrops Smart Media Token
Join the Steemit School organized by @dobartim on Discord

☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆ ☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆

image.png

Thanks for dropping by. Kindly follow me and check my other blogs too

steemit diosa live signature.gif


banner made by @deveerei

steemitachievers1.jpg

Sort:  

Wala nang hihigit pa sa pusong nagmamahal. Di kayang tumbasan ng ilang ginto. Un lang kung ang mahal mo e ginto lol!

hahaha...iba ka talaga..lol

Ayiee, pag-ibig nga naman ang mas matimbang 😊 Walang wala po ang anumang materyal nabagay o karangalan. Isang maganda at kakaibang atake po ito sa tema ng paligsahan. - Junjun ng #tagalogtrail

Hmmm..Salamat Junjun at nagustuhan mo ang aking piyesa. Pero may napansin ka ba kung sino ang iniibig ko sa tula na ito? 😊

Congratulations @diosarich! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Thanks a lot!

A very good use of the medium that creates a super passing trend in our minds and hearts! Kudos and more power!

Thank you so much that you like my piece and for dropping by as well.

Isa kang tunay at mahusay na makata!
Ang mga bawat tugma ay naglalarawan ng iyong buong sipag at puso upang makalikha ng napakagandang mensahe para sa lahat.
Isa kang inspirasyon sa mga Pilipino! :)

Salamat Baby Pam! Pinapataba mo naman masyado ang puso ko ...iyak na ako niyan! Maraming makakata sa mga Filipino at sila ang mga naging inspirasyon ko. isa ka rin sa mga magagaling at malikhaing Filipino. Salamat ulit baby Pam....muah!

Walang anuman po ma'am, magpatuloy lang po tayo sa pagsulat! :)
Maraming salamat din po sa inyong mabubuting mga salita.

Walay sapayan Baby Pam. Kahit may sakit si CJ kahit pano trying to post kahit one article a day. God Bless You

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58613.96
ETH 3153.58
USDT 1.00
SBD 2.43