Word Poetry Challenge #13 : "Pilipinas"
"Pilipinas"
Pilipinas na ina ng mamamayan, kumakandili nga sa mabuting kandungan. Sa lahat na yaman nitong kalikasan hindi magugutom hindi magkukulang. Ang lalim na tubig na asul sa kulay ay siyang panlinis sa lupang katawan, Ang mga dagat at kailaliman saganang pagkai't mga pangisdaan.
At pati hayop sa dulong kabila nabubusog din at nagpapakasawa, Ang mga gubat na hitik sa bunga ipantawid gutom sa kalam ng bituka. Magtanim lamang ng palay o mais at tiyak na kakain sa oras ng gipit, Ang mga lupa sa luntiang bukid ay pakikinabangan kapag pinilit.
Ibiging mabuti at maging malaya, upang manatili ang inang dakila. Mahalin ang bayan saan man pumunta, ipagtanggol nga sa dayuhang bansang "pilipinas". Itong pilipinas na buhay ko't ina, mamahalin ko saan man pumunta. Ang tula ay alay sa mahal na bansa, pagka't ako'y kanyang inaaruga.
Salamat o
@dcrealyn
tama po si @chameh
dahil ito ay tula naway mailagay po natin sa pormat ng tula
magkagayonman kay inam na tula at maganda ang mensahe
kung naghahanap po kayo ng matatambayan kasama ang mga manunulat din sa tagalog ,inaanyayahan po namin kaya sa discord channel ng Tropa ni Toto
https://discord.gg/k5fnXY
salamat sa inyong dalawa sa pag advice @beyonddisability and @chameh gagawin ko pung tama sa susunod..peru may mali po ba akung nagawa?
Hi @dcrealyn walang anuman po. Wala po kayong nagawang mali sa mga akda nyo pro technically kailangan lang ma.improve ayon sa panuntunan ng isang tula. Maganda kasi ang mensahe ng iyong mga akda, malaki ang potential mong manalo kaya lang may kulang para maging isang mahusay na obra. Get inspiration from others especially sa mga winning entries, markdown techniques can be of help also.
ok po so pwedi ko po bang e edit and aking patimpalak @chameh para makuha ko ang ibig mung sabihin.
Pwede pa hangga't hindi pa dumating ang huling oras sa pagtanggap ng entries.
ok salamat po @chameh
dahil tayo po ay nasa tula, maaari po ninyong ayusin ang pormat ng inyong akda sa pormat ng tula. Ito po ay yung may saknong at taludtod. Ang anyo po ng inyong ginawa ay maihahambing sa isang sanaysay. Yun lamang po. Maraming Salamat
Maayos kasi may larawan na. A simple tips : iklaro mo lang ang mga saknong mo. Bigyan mo ng emphasis ang tugman sa dulo ng bawat pangugusap at ibaba mo ng isang baitang ang bawat simula. Salamat po.
salamat po sa advice sa susunod kung tula aayosin kina po. salamat @chameh
sana natama ko na he he peru kung di parin bahala na si judge and mag desisyon sa aking patimpalak..siguro hindi sa akin ang gantimpala...