"Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan"

in #wordchallenge6 years ago
Magandang araw muli sa lahat ng kapwa ko steemyans at mga kabayan, ito po ulit ang aking pagtugon para sa patimpalak ni Ginoong @jassennessaj, para sa kanyang word poetry challenge tagalog edition na may temang "TAGPUAN", Ito po ay aking orihinal na kathang tula, at entry para po sa naturang patimpalak.

cameroon-104485__480.jpg

https://pixabay.com

Sariwa pa rin sa gunita ang masayang ala-ala,
Kung saan namulat ang aking musmos na isipan.
Kay tagal narin nating nagkalayo sa isa't-isa,
Kamusta kana! Ako pa ba ay iyong naalala?

Tahimik na nakinig sa bawat mong tinig,
Nagalak, namangha sa taglay mong galing.
Sinikap magpakilala para ako iyong mapansin,
Namutla man sa hiya ay nagpatuloy parin.

Ikaw ang gumabay sa aking pagsisikap,
Ang nakamit na tagumpay ay mula sa iyong pagpapamalas.
Niyakap ang labing-apat na taon ng iyong pag-aaruga,
Kaya nakamit ang dunong at pundasyon na kailanman ay di-matitinag.

Wag ka sanang makalimot sa ating pinagsamahan,
Pagmamahal, lungkot at kasiyahan, ilan lamang sa mga bagay na ating naramdaman.
Panahon man ay lumipas, hindi malilimutan,
Dahil iisa lamang ang kwentong ating pinagmulan.

Talino, kamalayan at malikhaing isipan, Na silya at pisara ang saksi sa tinuturing nating "Tagpuan".
Kakaibang tagpuan na humubog sa ating pagkatao,
Na walang sinuman sa mundo ang pwedeng umagaw sayo.


Maraming Salamat Sa Pagbasa!


Steemitly yours

cradle



DQmNo7mW5tUTL97aFGdguqkmBGkUq4uGkNrmgCxBcdrwKsy_1680x8400.png

Please like @teardrops on Facebook and Twitter:

https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens
DQme842YQ8AXsskyFzJhrfZ5VvjzHDz5DYu47iJsSuvMHRd_1680x8400.jpeg

Support and Vote "steemgigs" for witness. It will be really helpful.
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.
If you want @surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy
Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT
Join us in Steemit Philippines | Steemph discord channel at https://discord.gg/2UghxdN
Join us in discord STEEMSCHOOLS https://discord.gg/8CRS4j4



IMG_20180503_114106.jpg

Sort:  

Kakaiba ito sa lahat ng lahok..nakakakamangha ang iyong gawa kabayang @cradle. Salamat sa pagalahok at sana manalo ang iyong akda.😊gudluck sayo kabayan.😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.17
JST 0.032
BTC 63455.85
ETH 2722.31
USDT 1.00
SBD 2.58