Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya

in #wordchallenge6 years ago (edited)

94A0A56E-8ED3-4591-86AD-99F289B601B4.jpeg
Image Source

Gintong Medalya

ni: @christianyocte


Maraming nagsasabi na tagumpay di makakamit
Sapagkat sa leeg, walang medalyang nakasabit
Gintong medalya kasi raw ang simbolo ng tagumpay
Ganito ba talaga ang takbo ng ating buhay?

Totoo, hindi ako kasing-talino ng angkan mo
Na humahakot ng mga medalya at tropeyo
Sa larangan ng akademya panalo kayo
Pati rin ba ang tagumpay, sa inyo lang dadalo?

Kaya ako’y nagsikap, hirap na hirap
Nagtapos ng kolehiyo, nagsumikap
Wala mang gintong medalyang nakasabit
Pero ang tagumpay ay aking nakamit.

Hindi basehan ang ginto sa karangyaan
Hindi rin basehan ang medalya sa kahusayan
Merong tulad ko na nagsisikap lang
Pero nagagawa na sa buhay ay lumaban.

Humiga ka man katabi ang iyong karangalan
Mapuno man ang iyong silid ng kinang
Pakakatandaang hindi talunan
Ang taong marunong magsikap kahit nahihirapan.


Hindi basehan ang medalya na nakamtan sa tiyak na tagumpay. Ang totoong tagumpay ay nakasalalay sa pagsumikap kahit napakarami ng hamon ng buhay.

Ito po ay isang tula para mga walang nakamit na medalya. Hindi kasi lahat ay magaling. Ngunit may pagkakataon pa ring magtagumpay.

***Ewan ko lang ko nasaan na yong medalya ko nong college. Hahaha****

E9F93E9D-133B-41E6-A6D2-971F5D1C6F7C.jpeg

Sort:  

Nice one sir @christianyocte! 👏👏👏

Thank you... Jeepney moments na! Hahah

Here here! Super relatable. Dont let others judge your capability. Basta magsikap lang. Magandang tula

Thanks @lablabpaolo! Alam kong marami ang makaka-relate nito ;)

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by christianyocte being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Kakaiba naman po ang mensahe dito 👏 Agree ako dun kuya Christian.
Keri ko ng wag magka-medalya forever basta kasing galing nyo gumuhit.

Hahaha. Maraming salamat junjun ng @tagalog trail. Napapansin din pala ang mga ginagawa kung mga drowings!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63878.47
ETH 2625.83
USDT 1.00
SBD 2.79