Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya
Magandang araw mga ka-tropa! Ako ay sobrang excited na ibahagi ang tulang isinulat ko para sa aking anak. Ito ang kauna-unahang tulang naisulat ko para sa kanya. Kaya maraming salamat sa patimpalak ng ating ka tropang si @jassesnnessaj sa pagkakataong ito! Para sa mga nais lumahok sa patimpalak, maaari mo itong mabasa rito.
Bitbit ang iyong bag at lunchbox na may juice at empanada
Matapang mong hinarap ang iyong mga kaklase at maestra
Di ka umiyak, kahit sa iyong paningin ako'y wala na
Ngunit pag-aaral ko ay dapat ko ring tugunan
Sinabay ko ang pag-aaral at pagtatrabaho para sa iyong kinabukasan
Ngunit kahit ganoo'y naging salutatorian ka pa sa katapusan
Naging isang Math quizzer at Grade 1 representative pa sa Math Club
Di ka rin nagpatalo sa ibang asignatura
Sa araw ng recognition nasungkit mo tatlong gintong medalya at marami pang iba
Dalawang taon kang naging kampyeon sa larangan ng Matematika
Mga gintong medalya muli ay iyong nakuha
Bilang isang ina, wala na akong mahihiling pa
Ngayon di lang Matematika ang iyong pinagkaka-abalahan
Pati pagiging campus journalist at basketbolista iyo na ring pinasukan
At kahit sa larangan ng isports at pagsusulat ikaw ay baguhan,
mga medalyang ginto ay muli mong napanalunan
Ang ating usapan ay dapat walang sekreto, lahat ay dapat kong malaman
At kahit na ika'y nagbibinata na at nagsisimula nang mapabarkada
Pag-aaral mo naman ay lagi mong inuuna
Di ko narin halos mabilang ang iyong mga bronse, pilak, at gintong medalya
Ngunit hindi ang mga medalya ang dahilan kung bakit lubos ang aking ligaya
Kahit wala ang mga ito'y mamahalin pa rin kita ng sobra sobra
Dahil sa iyo lahat ng ginagawa ko'y pinagsisikapan kong magtagumpay
At kahit na ako'y mag-isa at walang katuwang sa pag-aalaga
Dahil sa iyo, anak, masasabi kong ang sarap maging ina!
Ang galing ng mag ina
Kahit hindi kita kilala
Dahil mabait ka at
Dabawenya pati ako
Ay napasaya sa tagumpay
Na nakamit niya
Thank u po ate Deevi! ☺😚😃
Proud mommy talaga. Ang ganda ng tula at lalo ng ang mensahe. So much love 😍
Thank you Judge Jazz! Hahaha. Inspired much kasi! 😍😃