Word Poetry Challenge #24 : "Pamilya"
PAMILYA
Sa lahat nang oras sila ay ating masasandalan
Sa panahon na tayo ay lugmok sa kahirapan
Ang ating puso at ang ating mga inaasam asam
Ang pamilya ang laging nandyan na ating matatakbuhan
Sila ang umiintindi sa ating mga ugali at kamalian
Laging nandyan at nagbibigay kaalaman
Sa mga tama at mali na ating ginagampanan
Pamilya ang ating manlalaban!