Word Poetry Challenge #12 "Kalayaan"

in #wordchallenge6 years ago

17390847_1573586006004061_6032204640626528912_o.jpg
" KALAYAAN"
Noong unang panahon tayo ay naging pipi at bingi
Sa mga pangyayari sa ating paligid na grabe ang krimen at pighati
Tayo ay sunod sunuran lamang sa mga leader sa ating bayan
Kung saan ang gusto lang ay kagahaman sa kapangyarihan!

Kaya wala tayung magawa kundi tumahimik at may pighati
Ang ating damdamin at puso ay parang nasa kulungan
Na para bang ibon na nasa loob ng hawla na walang kalayaan
Ang kalayaan na magbibigay sa atin ng kaligayahan

Kasiyahan na sa dulo ay walang hanggan
At mayroon ang bawat isang kaligayahan
At walang takot na ipahayag ang boung damdamin at saloobin sa mga pangyayari na sa atin ay kinimkim!

Kaya sa panahon ngayun tayo ay nagiging maligaya
Dahil sa kalayaang natamasa
Kalaayan na ipahayag ang boung damdamin
At maging maligaya sa KALAYAANG naangkin!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63799.64
ETH 3130.40
USDT 1.00
SBD 3.97