"Word Poetry Challenge # 2: Huling Sayaw"

in #wordchallenge6 years ago (edited)


Screenshot_20180517-151018_1.jpg

Image taken from google


           "Huling Sayaw"

Sa paglipas ng panahon, ikaw ang aking naging gabay
Nanatili ka sa aking tabi habang aking tinatahak ang parang gulong na agos ng buhay
Kung kadalasan man ako'y iyong napagsasabihan
Lahat ng ito'y para rin naman sa aking kabutihan

Hindi ko malilimutan ang gabing nagdaan,
Kung saan lahat ng aking minamahal ay nagsama-sama para sa aking kaarawan
Labing-pitong beses akong naiyak sa tuwa
Ngunit sa ikalabing-walo, ang aking saya ay hindi na maipinta
Patak ng luha ay unti-unting nagpakita, sapagka't kasabay ko sa pagsayaw ang aking ama

Sa himig ng musika tayo'y nagpadala,
Hindi na naging sagabal ang pareho nating kaliwang paa
Parang kailan lang noong ako'y akay-akay mo pa
Hindi na namalayang labing-walong taon ay lumipas na pala,
Ngunit para sa iyo ako'y mananatiling isang munting prinsesa

Kaya't sa huling sayaw na ito, nais kong ipadama,
Ang lubos na pasasalamat sa lahat ng iyong ginawa, aking ama
Tunay kang isang dakila
At ang sandaling ito ay habambuhay na mananatili sa aking puso't memorya


Ito ang aking entry sa ikalawang tagalog word poetry challenge ni @jassennessaj. Salamat sa iyong mga ideya.

Sort:  

Yung huling sayaw na tinutukoy dito ay ang Debut ng dalaga. Magaling! Nabigyan mo ng hindi tuwirang idea ang mambabasa sa akda.

Goodluck po sa patimpalak!

Salamat po sa pagpansin, hurado. 😊

Walang anuman @chastityyyy110 sobrang huhusay ng mga akda ang napakahirap mamili talaga ng magwawagi. Kailangan kong i disect maigi ang mga entry para malaman ang pinak swak para sa akin.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63498.69
ETH 2645.91
USDT 1.00
SBD 2.80