Word Poetry Challenge #8: Tagpuan

in #wordchallenge6 years ago (edited)

LRM_EXPORT_20180624_213300.jpg

TAGPUAN

Sa lugar na ito una kang nagpakita
Ako’y napamangha sa kagandahan ng ‘yong mukha
Mata’y napapikit sa tinig mong kahali-halina
Bunto’t na mahaba, ang kulay ay kaaya-aya



Naging magkaibigan hanggang sa nagka-ibigan
Mapaghusgang lipunan pilit nilalabanan
Di gustong itago pero sadyang kinakailangan
Para maprotektahan yaring kaligtasan



Handang magsakripisyo para lang sa’yo
Kahit magtitiis, ito’y kakayanin ko
Pagmamahalan natin ‘di ko isusuko
Hahamakin ang lahat magkasama lang tayo



Nang ikaw ay di na nagpakita sa ating tagpuan
Labis na nasaktan sa di inaasahang paglisan
‘Di ko man alam kung anong kadahilanan
Masakit isiping sayo’y mawalay na ng tuluyan



Nais kong masilayang muli ang ‘yong kagandahan
Uma-angkop sa iyong mabuting kalooban
Datapwa’t di maitatago ang katotohanan
Na sadyang magkaiba ang mundong ginagalawan



Ikaw ang tanging laman nitong isipan
Sana sa wakas dalisay na Pag-ibig ay matatagpuan
Kahit di man tayo ang siyang nagkatuluyan
Pero hangad ko pa rin ang iyong lubos na kaligayahan



Kwento ng Pag-ibig ay ‘di makatotohanan
Pero minahal kita nang labis at lubusan
Magpakailan man ay hindi malilimutan
Bahagi ng buhay na nais balik-balikan


Ito po ang aking isumite para sa patimpalak na binuo ni Ginoong @jassennessaj na may temang “tagpuan”. Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na matiyagang nagbabasa ng aking mga akda at sa inyong walang sawang suporta dito sa kumunidad na ito.

Hanggang sa muli..

FB_IMG_1517815254224.jpg

Sort:  

Hahamakin ang lahat magkasama lang tayo - Mapakamakapangyarihang salitang nasasambit lamang kung tunay ang kaligayahan.

Labis kaming namangha. Salamat sa patuloy na pagsuporta sa #wordchallenge @chameh. Mabuhay ang tulang Pilipino.

Hahahaha...nakarelate ka Jass? Alam kong kaya mong bitiwan ang pangakong tulad nito.

Kakaiba to..kakaiba 😊..gudluck po sa lahok nyo binibining chameh.😊

Ako'y natutuwa dahil kayo'y nasisiyahan sa tula ko. Maraming salamat po Ginoong Hurado @blessedsteemer

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63398.53
ETH 2660.51
USDT 1.00
SBD 2.77