Word Poetry Challenge #7: Simbahan
Salamat at inyong napagbigyan
Di man lubos sinang-ayunan
Desisyon ay naintindihan
Matupad lang aking kahilingan
Maibahagi ang layunin ng Simbahan
Maipalaganap ang kabutihan
Na ang tungkulin ay talikuran
Upang makapiling ng lubusan
Bago magpaalam sa sanlibutan
Datapwa't ito'y aking kaligayahan
Na ang Dios ay pagsilbihan
Hanggang sa aking huling hantungan
Ngayon, bukas at magpakailan man
Ipagpatuloy ang pangakong sinumpaan
Para sa Dios na aking kinakapitan
Maraming salamat po sa paglaan ng inyong oras para basahin ang aking maikling obra. Ito po ay ilalahok ko para sa ikapitong edisyon ng patimpalak na binuo ni Ginoong @jassennessaj.
Hanggang sa muli, Salamat po...
Nakakantig at nakakagimbal. Di ko akalaing may plano ka palang maging madre. Ako ba'y tama o gusto mo lang manilbihan sa Panginoong Diyos?
Hahahaha... Ang aking nagawang tula kay hindi po ayon sa kwento ng aking buhay. Ito lang po ang pumasok sa aking isipan para ilalahok ko sa iyong patimpalak... Taa ni.
Aahh. Akala ko kasi kaya hindi mo siya sinagot dahil gusto mo pong mag madre. HAHAHA. Nakaantay pa naman si Kuya R. HAHAHA
Aguy....