Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan

in #wordchallenge6 years ago (edited)

LRM_EXPORT_20180628_202713.jpg

TAGPUAN

Huwag kang gumalaw
Sabi ko sa'yo ng pasigaw
Natutuliro nang makita ay ikaw
Sa tagpuan ngayong araw


'Di ko akalain ika'y nandito
Walang alinlangan at desidido
Kahit di mo alam kung ako'y seryoso
Sa mga sinasabi at pinangako


Ipinakita ang ibang hilig ko
Nagbabakasakaling ika'y magbago
Ngunit iba ang nabatid ko
Pag-ibig mo pala'y walang halong biro


Tama nga ang mga sabi-sabi
Kung mahal mo ay magbabakasakali
Kahit ikaw ay nagmumukhang api
Subalit lahat ng pagsubok sayo'y napakadali


Ang pag-iisa ay naturang masaya
Ngunit iba ang saya 'pag kasama kita
Binigyan mo ng magandang kulay
Ang mundo ko na dati napakalumbay


Sa tagpuang ito, ika'y nakilala ng lubusan
Nakikita sa'yo ang hinahanap na katangian
Sana'y di magbago, ako'y iingatan
Mamahaling lubos magpakailan man

ito po ang aking pangalawang entry para sa patimpalak na binuo ni Ginoong @jassennessaj na may temang TAGPUAN. Sana po ay iyong nagustuhan at patuloy na susuportahan. Maraming Salamat po, hanggang sa muli....

Ito po ang iyong lingkod,

FB_IMG_1517815254224.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 61823.88
ETH 2390.97
USDT 1.00
SBD 2.57