Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan

in #wordchallenge6 years ago




O kay tagal na pala, noong una kong masilayan
Mukha mong ubod sa bighani aking namalayan
Sa di inaakalang pagkakataon ika'y nahawakan
Ang mga mata'y titig na minasadan
Dito nagsimuula ang lahat
Kung saan tayo nagkaharap
Tila mosmos pa ang puso't pangarap
Ngunit di maipaliwanag ang naganap
Nagkakilala't naging magkaibigan
Sundo sa pag-uwi at naging sumbungan
Nang iyong mga hinanaing handang samahan
Sa tuwing Ika'y takot na umiwi mula eskwelahan
Sa iba'y ang Lugar na ito
Walang halaga kung tatanongin mo
Ngunit sa aking napaka espesyal nito
Sapagkat dito tayo unang nagkatagpo
Ang mga araw ay lumipas at napag-alaman mo
Ako'y may ninanais na pagsuyo sayo
At sa wakas ang puso iyong inangkin
Mula noong aking pag-ibig ay yong tanggapin
Sa di inaakalang dito pala
Ang munting puso'y napaluha sa tuwa
Parang rosas ka sa umaga
Amoy at langhap ko ang iyong ganda
Di ko malilimutan kung saan kita natagpuan
Sapagkat mahirap kang hanapin,ngunit tadhana ang may alam
O kay sarap talagang balik-balikan
Ang nakasanayan nating tagpuan

Sort:  

Nakakaaliw ang iyong akda kabayan @brapollo29.., gudluck sa lahok mo.😊

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.15
JST 0.030
BTC 64876.28
ETH 2650.41
USDT 1.00
SBD 2.81