"Word Poetry Challenge #7" : "Simbahan" / My entry
Magandang araw po sa lahat ng aking mga kababayan, mga kaibigan, mga katunggali, at sa ating minamahal na hurado sa patimpalak na ito Ginoong @jassennessaj. Ito po napakainam na patimpalak dahil ang layon nito ay mabigyan pansin ang mga makata dito sa pilipinas at nahahasa po ang ating kaalaman patungkol po sa paggawa ng malalim na kathang tula.Narito po ang lahok sa patimpalak na ito at sana magustuhan nyo at sana maunawaan nyo ang nais kong ipaabot sa tulang ito.😊
Katha ni: @blessedsteemer🙏
Mula noong ako'y isilang sa ating mundong ginagalawan,
May isang lugar ang aking mga magulang, na lagi sa aking pinagdadalhan.
Ito ay tinatawag na bahay dalanginan,
At maraming tao na sa Diyos nanambahan.
At sa mura kong isipan,
Akin nalaman ang salitang kabanalan!
Na kapag ikaw ay sumasamba at pumupunta sa simbahan,
Sabi nila nababawasan daw ang iyong kasalanan.
Di naglaon ako'y nagdesisyon maging sakristan,
Tumira sa kumbento at naging taong simbahan.
Natutong magdasal magpuri,at manambahan,
At natutong makisalamuha sa mga kapawa ko mananambahan.
Di nagtagal pananampalataya ko ay lumalim,
Nagsaliksik at nagbasa ng banal na aklat natin.
Doon ko nalaman ang matagal ko ng tanong sa aking damdamin,
Na ang pagsamba at pagbisita sa simbahan, ay di pala sapat sa pananampalataya natin.
Aking din nalaman na maraming taong nakakakilala sa Diyos natin,
Pero madalas ay di nakikita ang pagmakadiyos sa buhay natin.
Aking natuklasan sa pagsamba pala ay dapat sa espritu,
At hindi sa gawa ng kamay ng tao.
At sa aking pagninilay nilay sa buhay,
Dapat din natin irespeto kung anumang doktrina ng iba na taglay,
Bawat simbahan ay may sariling pinaniniwalaan,
Ngunit sa dulo ay pare pareho din ang paroroonan.
Ang simbahan pala ay may tatlong kahulugang aspeto,
Ito ay templong bato na may haliging apat bawat kanto.
Ang isa naman ay itong katawang nating tao,
At pangatlo ay ang buong tao sa mundo.
Iba't ibang simbahan man ang ating kinabibilangan,
Iisang Diyos pa rin ang ating pinapanampalatayanan.
Anumang sekta, relihiyon, at doktrina ang iyong pinaniniwalaan,
Iisa pa rin ang tawag sa inyong bahay dalanginan.., SIMBAHAN!
Maraming salamat sa inyong oras sa pagbasa ng aking kathang munting tula.😊
@blessedsteemer🙏