Word Poetry Challenge #14 : "Realisasyon" | Ang aking lahok.
Katha ni:@blessedsteemer🙏
Kaysarap sa buhay ng may minamahal,
Lalo na kung ikaw ay kanyang mahal.
Pagod ay di mo alintana,
Kung siya ay lagi mong nakikita at kasama.
Kay inam ng samahan kung pag ibig ang naghahari sa isa't isa,
Bawat sandali ay punong puno ng ligaya.
Para bang nagtatampisaw sa kaligayahan,
Na para bang alon sa dalampasigan na walang katapusan.
Ngunit kay saklap minsan ng kapalaran,
Dahil ang tadhana ikaw ay pinaglalaruan.
Buong pagmamahal mo na iyong inalay,
Minsan sa dulo nito ay nawawalan ito ng saysay.
Hindi lahat ng pagmamahalan ay masaya ang katapusan,
May mga pusong sugatan at iniwanan ng luhaan.
Ang iba naman ay ipinagpalit sa iba,
Dahil ang tibok ng puso ay di na sa kanya.
Ang reyalidad ng buhay ay ating tanggapin,
Na di lahat ng gusto natin ay mapapasaatin.
Kahit anong pilit mo na ito'y maging sayo,
Kung di itinadhana ay di ito mapapasayo.
Lagi nating tatandaan at ilagay sa ting isipan,
Bawat isa sa atin ay mayroong nakalaan.
Kung hindi man ito dumating sa ngayon,
Buong itiwala mo sa Panginoon,at darating din iyon.
@blessedsteemer🙏
Ay iba. Ibang iba. Ba't parang gusto niyong malungkot ang ending?
@oscargabat din ganun.
Haha di naman sir @jassennessaj.. minsan ganyan talaga reyalidad ng buhay di sa lahat ng oras masaya, merun din malungkot..itong tula ay hugot lamang ahaha..😊
Posted using Partiko Android
Ginalingan na naman eh. Inabangan ko ulit ang lahok mo maestro.
Hahaha minadali ko lang yan alamat.😊