Word Poetry Challenge #11 : "Pagsubok" | My Entry
Katha ni : @blessedsteemer🙏
Isang bagay na di maiiwasan,
Isang tagpo sa buhay natin na dapat pagdaanan.
Pagtakas ay di kasagutan,
Upang ito ay mapagtagumpayan.
Tatag ng loob dito ang kailangan,
Samahan mo ng pananalig sa Maylalang.
Upang pagsubok ay malagpasan,
At maabot ang buhay na nais mong makamtan.
Ang salitang ito ay puno ng misteryo,
Kaya minsan isipan ko ay nagtatalo.
Dahil ang iba'y sinusumpa ito,
Ngunit ang iba naman ay pinagpapasalamat pa ito.
Pagsubok ano ba mayroon ka?
Bakit marami ang di sayo natutuwa.
Karamihan ay iniiwasan ka nila,
Salot ka nga ba? O pagpapala?
Aking napagtanto sa aking pagninilay nilay,
Bawat tao ay may nakatakdang pagsubok sa buhay.
Ito'y ķamalasan sa mga taong duwag harapin ang hamon ng buhay,
Ngunit pagpapala sa mga taong matatag at nagtatagumpay.
Ito po ang aking lahok, sana po ay magustuhan ng ating hurado ang aking munting katha. Kahit ako ay abala ay pinilit ko pong makasali at baka manalo at maidagdag din sa patimpalak ko ang makukuha ko dito.😊 Maraming salamat po sa oras ng inyong pagbasa! Mabuhay po tayong lahat!
@blessedsteemer🙏
See your post featured here by @johnpd on today's Short Stories and Poetry Monday, a community curation initiative by @SteemPh.
If you would like to support the Steemit Philippines community, please follow @SteemPh.Trail on SteemAuto.