Sana kasabay ng pag-usad ng 'yong EDAD,
Ay sabay ding umusad ang lawak ng 'yong kaisipan.
Isang kahilingang, mala suntok-sa-buwan!
Hay BUHAY! Bakit nga ba ganyan?
Ikaw na nga ang maraming pagkukulang at kasalanan,
bakit kami pa ang dapat may punuan?
Hindi naman tamang hingiin at ipilit ang mga bagay na ni minsan hindi mo nagampanan.
Paumanhin! Pero marapat lamang na'yo munang kilalanin, tanggapin, akuin,
at baguhin ang napakaraming mga bagay at pagkakataong nakasakit ka sa amin.
Sa ganoong paraan pagpapatawad, di mo na kailangan hingiin,
pagkat kusa itong maibibigay kung pagpapakumbaba ay iyong gagawin.
At kapag sugat ay nagawa ng maghilom, kasabay ng pagpapatawad, asahan mo,pagmamahal muling u-usbong.
At pilit ko mang ipagpasa DYOS ang lahat, alam kong hindi dapat.
Pagkat ikaw, at tanging ikaw lamang ang may kasagutan ng LAHAT.
Ito po yung entry ko sa patimpalak ni sir @jassennessaj at sana po magustuhan nyu po ang simple at orihinal kong katha na tula. Salamat po ng marami! At pagpalain po tayo ng Panginoon!