“Word Poetry Challenge #4 : Makalumang Harana
Isa, isang Pilipinong tradisyon na nagbuklod sa aming dalawa
Sa saliw ng gitara ako'y sinagot ng aking sinisinta
Dalawa, dalawa kaming umakyat ng ligaw noon sa kanya
Pero ako ang kanyang pinili dahil sa matamis kong harana
Tatlo, tatlong awitin ang kanyang paboritong marinig
Dinadama, ninanamnam, hinihimig
Apat, apat na taon kaming magkasintahan
Sa saliw ng musika kami'y madalas na nag-aawitan
Lima, limang supling ang naging bunga ng pagmamahalan
At kapag gabi kami ay masayang nagkakantahan
Anim, anim na kwerdas ang naging saksi ng aming pamilyang nabuo dahil sa harana
Nagdaan man ang mahabang panahon lagi pa ring magkakasama, kumakanta
Pito, pitong dekada ang kay bilis na lumipas
Sa loob ng ospital ang aking sinisinta, naghihingalo, kumukupas
Walo, walong huling salita ang kanyang binigkas
"Ang ating awit iyong ipamalas hanggang sa wakas"
Siyam, siyam na beses syang ngumiti kahit nakapikit
Sa makalumang harana na aming iniaalay, inaawit
Sampu, sampung buntung hininga at siya ay lumisan
Tangan ang lumang harana hanggang sa huling hantungan
Your blog has received an upvote from the communal account of Steemph.antipolo for being an active discord member and as an active community member. Keep up the good work and best of regards. Keep on Steeming!
You can get a support by joining our discord channel and gain votes from
our curators. Join our discord now
https://discord.gg/7w3hJqw
If you would like to support steemph.antipolo project you can help by delegating your spare SP to us, just click the link below.
50 SP 100 SP 200 SP 300 SP 400 SP 500 SP 1000 SP
Awww. Ang ganda nito @beyonddisability. Ang galing talaga!
maraming salamat po
tahimik lang din akong nagbabasa ng iyong mga tula
isa mo rin akong fan
ang galing talaga..idolo!
salamat po
isa ka talagang kaibigan
Ang galing!!!! bet ko to 😍
maraming salamat Binibini
You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo
@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo
Congrats. Tumatak talaga ang istorya ng iyong tula sa'kin. Ilang beses ko itong binasa at naantig talaga ako. Simple pero may puso. Hanga ako sa husay mo. Bravo!
marami pong salamat Binibining @chameh sa pagpili sa aking likha. Isa po itong malaking karangalan at kagalakan
Beyond, congrats. Nagpakitang gilas talaga. Nagustuhan ko yun kwento pati sa estilong pagbibilang. Masasabi kong bihasa ka na talagang mabilang mula isa hanggang sampu haha. Good job po.
Naku maraming salamat po boss @jazzhero. Pag-iigihan ko pa ang pagbibilang :)
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Marami pong Salamat c-squared. Isa po itong napakalaking karangalan :)