"Word Poetry Challenge #2 : Huling Sayaw"
Hakbang pakaliwa, mga mata ay magkatugma
Iyong mga kamay ay nasa aking balikat
Ang sandaling ito di ko lubos masukat
Sa saliw ng malamyos na musika nagtapat sayo ng damdamin
Ngunit ang tugon mo ay malungkot na paumanhin
"Huli ka na. Bakit ngayon mo lang sinabi"
"Mahal kita pero hindi na maaari"
Sinagot mo na pala kahapon ang isa mong manliligaw
Ito na ba ang ating huling sayaw
Kay tagal kong inintay ang oras na ito upang ikaw ay makaulayaw
Saloobing matagal na sinupil ng mandirigmang nagdududa
Sa wakas naipamalas, nabulalas ng kay lakas
Umaasang baka pwede pa na tayong dalawa
Ngunit katagang "mahal kita" winika sana ng mas maaga
Paalam na lamang sa gunita ng di malilimutang halik
Hindi na pwede, Hindi ang iyong sabi
Mahal kita , mahal mo rin pala
Ngayon ay bulong na lang sa hangin
Iba na ang iyong kapiling
Para saan pa ang pag-ibig na nag-intay ng tamang panahon
Di nagtugma ang tadhana at pagkakataon
Hakbang pakaliwa, mga mata ay lumuluha
Ang iyong mga kamay nawaglit sa aking balikat
Mga pangarap nawala sa isang iglap
Ang malamyos na musika ay naging bahaw
Paalam sinta ito na nga ang ating huling sayaw
Hakbang palayo, ako ay huli na
Sana maging masaya ka sa kanya
Marami pong Salamat sa pagbabasa. Ito po ang aking entry sa #wordchallenge #2 ni G. @jassennessaj
pinagmulan
Naku! Sana nga maging masaya siya sa kanya. Salamat muli @beyonddisability, sa pagbabahagi sa tula mo.
dapat talaga nagtatapat. di bale mabasted
Sana nga! Sana mahalin ka rin niya Labo na labong elemento na ito beyond!
Hahah ginalingan din
wala ng bigas pinuno kaya hapit na hapit haha
OO beyond wala nadin kaming bigas dito panay asin nalang.