Word Poetry Challenge #12: Realisasyon :D

in #wordchallenge6 years ago (edited)

15.jpg

Realisasyon

Ang puso ay nilikha para sa Iyo
upang umibig para sa Iyo
at ito'y hindi magpapahinga
hanggat hindi nagpapahinga sa Iyo

O Diyos ko
huli na ng Ikaw ay makilala
huli na ng Ikaw ay ibigin ko
sayang ang panahong Ikaw ay iniwanan
binalewala, isinantabi, pinagtaguan
gayong Ikaw ang sagot sa lahat ng katanungan
at sa bagay na tila kulang

Ngayon Ikaw ay natagpuan
Ikulong mo ako sa iyong bisig, higpitan
upang magpumiglas man
Ikaw ay hindi na iiwan

Huwag Mo ako hayaang lumayo
baka di ako makabalik sa Iyo
Huwag Mo ako hayaang lumipad ng malayo
baka di na Kita makita
Huwag Mo ako paginhawain ng labis
baka makalimutan KIta
subalit huwag Mo ako subukin ng husto
baka ako malito

Wala namang mali sa Iyo
ang kasalanan at pagkukulang ay gawa ko
Kung babalikan ang nakaraan
di Mo naman talaga ako pinabayaan

Kasama Kitang umiiyak
subalit di ko nakita ang paglingap
dahil di iyon ayon sa aking hinagap
ang mga panahon ng kadiliman
ay gintong panahon pa nga
dahil sa Iyo ako'y nananawagan
subalit nakalimot na
ng ginhawa ay makamtan

Ang hirap maging mabuti
dahil likas na masama
Ngunit may tinig na nagsasabi
magpakabuti na nga
ang pusong pagal nais magpahinga
Diyos ko sa puso mong mapagkalinga
Subalit ngayon ay haharap pa rin sa buhay
Ikaw ang kaagapay, hawak-kamay

Hindi po ito opisyal na entry kundi isang pagsuporta po sa #wordchallenge
Sort:  

Panalong panalo to. Napakaganda at napakahusay. Ramdam ko ang paglapit ng aking kaluluwa sa Panginoon.

Ito sana'y panalo ngunit naging 1st runner-up ka sa nagdaang challenge.

  • naku maraming salamat po boss @jassennessaj
  • sasali pa rin p oako sa susunod na serye :)
  • give chance to others po muna tayo :)
  • ang dami ring magagandang akda :)

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by BeyondDisability from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 57899.97
ETH 3059.62
USDT 1.00
SBD 2.29