"Word Poetry Challenge #9 : Maskara"
Madalas kami’y makikita t’wing may nagdiriwang nang kaarawan,
Aliw na aliw ang karamihan sa hatid naming katatawanan,
Saming mga hinandang palaro tiyak kayo ay mag uunahan,
Mga birong may kababawan ngunit inyo namang kagigiliwan.
Makukulay na damit aming sinusuot at ginagamit,
Upang sa mata nang mga bata kami ay kaakit-akit,
Kapag programa’y magsisimula na sila’y nagsisilapit,
Makikinig mabuti nang papremyo ay kanilang masungkit.
Pintura sa aming mukha ang syang aming maskara,
Labi namin ay lampas ang guhit at pulang-pula,
Palaging nakangiti at malakas magpatawa,
Sa totoong buhay samin walang nagpapasaya.
Sa likod ng mga ngiti kami din ay nagdurusa,
Ni isa sa amin wala man lang nangangamusta,
Lungkot paminsan minsan aming nadarama,
Ganyan kami sa likod nang aming maskara.
Mahirap magpatawa kung walang kang sigla,
Minsan pa nga sarili mo’y di mo na kilala,
Pinturang maskara kapag aming binubura,
Iniisip ang tingin nang iba sa amin ay basura.
Minamaliit ng karamihan, hinahangaan ng iilan,
Hamakin man ng lahat, kapamilya pa kung minsan,
Ngunit sa buhay kami ay patuloy na lumalaban,
Balang araw magandang kinabukasan aming makakamtan.
Maski po ako. Nung nag hanap ako Ng larawan sa net mga nakakatakot na payaso ang lumalabas 😂
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Maraming pong Salamat @c-squared 😊
kung anong klaseng trabaho man yan, basta nagtatrabaho ka ng marangal at walang inaapakang tao, ikaw ay karapat dapat na ipagmalaki! Salamat sa pagsali. Goodluck po! 🙂
Maraming salamat po @oscargabat :)