"Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan" - Ikalawang Entry

in #wordchallenge6 years ago (edited)
36199834_2200133103336626_814396241080221696_n.jpg

Tagpuan.gif

Naaalala nyo pa ba masasayang panahon?
Mga bulaklak na tanim, lumilipad na dahon?
Kahit buhay ay mahirap sama samang umaahon,
Mga ala-ala natin tuluyan na bang ikinahon?

Kung pwede lamang ibalik nagdaang kahapon,
Mga musmos, nene at totoy, bata pa tayo noon,
Walang pakielam sige maglaro tumakbo’t tumalon,
Ngunit may sari-sariling pamilya na tayo ngayon.

Tahanan ni Nanay ang ating tagpuan,
Tuwing Linggo sama sama sa hapag-kainan,
Halos sumakit ating mga lalamunan,
Tawa nati’y parang walang katapusan.

Munting tahanan biglang nawalan ng sigla,
Masasayang panahon saan na napunta?
Namuhay na tayo ng kanya kanya,
Di na tayo madalas sa kaniya ay bumibisita.

Noong nakaraan kami ay nakadalaw,
Mga alikabok agad mong matatanaw,
Init sa loob na waring nakakatunaw,
Lungkot sa paligid dito’y nangingibabaw.

Nilibot dating tagpuan ng buong pamilya,
Napansing kinakalawang na mga silya,
Wala na din ang ibang bumbilya,
Ibang kagamitan tuluyan nang pumalya.

Bahay na pinag hirapang ipinundar ni Tatay,
Para sana sa ating mga mahal nya sa buhay,
Umaaasang ito’y muling magkakulay,
Sa pagbabalik natin ay naghihintay.


Ito ang aking ikaapat na subok sa paggawa ng tula para sa "Word Poetry Challenge #8". Tema : "Tagpuan" | Tagalog Edition na inorganisa ni Ginoong @jassennessaj.


text.gif


Litrato ng Bahay nang aming Lola lahat ay kuha gamit ang aking teleponong Huawei G7 L02


annazsarinacruz~footer.png

Sort:  

Nakakabalik tanaw ang iyong akda at ang lalim ng pinagkuhanan mo ng iyong katha,at parang base sa karanasan mo.😊salamat sa paglahok at pangalawa mong lahok..gudluck po.😊

Opo Sir eto ay base na sa tunay na karanasanan at nangyayari sa kasalukuyan. Isang bagay na nakakalungkot na dating masayang bahay, nawalan na ng kulay. Ang hirap din palang lumaki at magkaedad. Ang sarap lang mag baliktanaw sa nakaraan.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 63793.25
ETH 3410.80
USDT 1.00
SBD 2.59