Word Poetry Challenge #13 : Pilipinas

story-20150216115637-_EL15843-BreakingColonialTiesII_AileenLanuza-DePio_cropped_1584x780.jpg

Pinagkunan ng Larawan


"Pilipinas"


Naaalala nyo pa?
Kasaysayan nang ating bansa?
Kung saan tayo nagsimula?
Tumayo pagkatapos madapa?

Bagaman bansa'y nagdarahop,
Sa mga dayuhan ay hindi natakot,
Hindi nagpadaig sa mga mananakop,
Kailanma'y hindi nabahag ang buntot.

Hindi hinayaang madumihan,
Dangal nang ating bayan,
Pinaglaban nang karamihan,
Lahat ay nagbayanihan.

Mahal nating Pilipinas,
Ang dami nang dinanas,
Nag-iwan nang madaming bakas,
Sa atin sila'y naging marahas.

Matapos ang digmaan,
Kalayaan ay nakamtan,
Nagdiwang ang mga mamamayan,
Sa tagumpay nang ating Bayan.

Nananatiling matatag,
Sa karatig bansa tayo ay tanyag,
Bituin nati'y nagliliwanag,
Hindi na muli pang mabibihag.

Sa paglipas nang panahon,
Patuloy tayong bumabangon,
Alaala nang kahapon,
Sa puso't isip natin ay nakabaon.


Ito po ang aking entry para sa Word Poetry Challenge #13 : "Pilipinas" | Tagalog Edition na inorganisa ni Ginoong @jassennessaj.


Salamat.gif


annazsarinacruz~footer.png

Sort:  

Cool and nice piece of poetry that promotes nationalism.

Thank you 😊😊😊
You can join too if you want 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63022.98
ETH 2580.28
USDT 1.00
SBD 2.72