Word Poetry Challenge #9 : Maskara (Entry 1)

in #wordchallenge6 years ago

day-of-the-dead-1868836_640.jpg

Source

Ako'y nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog
May mga bagay na nais bigkasin
Subalit hindi ko batid asan ang simula o dulo.
Anong meron dito? Bakig ako nagkaganito?
Ano ang ginagawa ko rito?
Magising na sana ako.

Sa mga ngiti ng mga estudyante ako namumuhay.
Turuan sila magbilang;
Pagbasa dapat sabay-sabay.
Kahit kagandahang-asal ay dapat ipasaalang-alang.
Ako'y isang guro, isang dekada na
Maskarang kanilang binuo, isa na ring dekada.

Maskara na karamihan ay kinikilala,
Maskara na di ko kailanman tinanggal sa aking pagmumukha,
Maskara na ibig ng aking mga magulang at kapamilya,
Na siya ring nagpapalungkot sa aking kalooban.
Oras na para tanggalin ang huwad na ako
Para makamtan ko rin ang kaligayahan na nakalaan sa tulad ko.

Iba ang hilig ko, ang nasa ko.
Gusto ko ang maging isang enhinyero
Subalit magulang ko wari'y naging isang diktador
Pinilit at kinulit akong maging guro
Masakarang pinilit na kinabit noong ako'y paslit
Masikip, nakakasakal, masakit, nakakasulasok.

Maskarang lumlulubog sa akin sa dagat ng kapighatian
Lubayan at hayaan mong abutin ko ang ninanasa ko
Pagkat may sariling buhay at desisyon ang nilalang na to
Sirain lahat ng maskara na pilit nilang kinakabit
Buhayin ang tunay na diwa na tinamasa natin nung tayo'y paslit
Kesa magkunwaring masaya sa likod ng maskara.


U5dt7aaWboa8p41uuJNApk6vAK5GgUf.gif

Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him here and type in "steemgigs" in the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, on that same page type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Support his projects like #untalented, #steemgigs, #teardrops, and #ulogs. Thank you!

DQmTMyrwh3pFzAiDeCAgVofM7UftG3rJRhutgots8Qr4R7E_1680x8400.png

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63945.57
ETH 3135.76
USDT 1.00
SBD 4.00