Philippine Poetry and Song Writing Contest #1, "Inhinyerong Esdtudyante"

in #wikang-pilipino7 years ago (edited)

Magandang araw mga kababayan ko

Share kulang ang tulang na compose ko bilang isang estudyanteng inhenyero. Alam ko marami nakaka experience nito, yung sitwasyun na may pasulit ka bukas pero meron ding proyektong deadline bukas. Haha! Kahit ma umagahan pa, tiyak ay isa lang yung magagawa. Kelangan talaga may maisakripisyung isa.

Itong tulang ito ay para sa lahat nang estudyante naghihirap sa pag aaral nila, dahil

"I feel you friends"

"Inhinyerong Esdtudyante"

I.
Namulat sa ganda ng pangalan, ngayo’y nag aalinlangan
Pinasok ang kababalaghan, kaya tuloy kinakabahan
Papasa ba? O papa-asahin lang?

II.
Nagtitipon ulit ang tropa, tiyak meron kape sa lamesa
Karamay sa gabing matamlay, sukdulang konsentrasyung inilay
Sa kinabukasang hangad, mapaganda lang ang buhay

III.
Gawaing tila walang katapusan, kapagura’y kailangan lampasan
Sakit ay di iniinda, maintindihan ka lang sinta
O asignaturang walang patawad, kahit kuba napapaliyad
Nawa’y ikay maintindihan, nang kami’y masiyahan

IV.
Dumating na ang oras, kapanahunan na nag pasulit
Nakayuko na tila nag iisip, sipon palay sinisipsip,
Naluluha-luha na nakatitig, ideas ay hindi maipahiwatig
Inuulit -ulit para maintindihan, nawa’y gabing ginugol ay mabayaran.

V.
Masakit tanggapin, nagsunog ng kilay bagsak parin
O panginoon, ikaw nang bahalang humusga sa amin
nawa’y matuto kami at umunlad na rin.

VI.
Kahit anong mangyari, walang titigil
Sugod lang sa pangarap para pagdating nang hinaharap
Magbunga ang lahat nang paghihirap.


sa photo ako yung kumuha, makikita natin sa larawan ang mga estudyanting naning at syempre mga ka steem ko rin sila @codygee237, @agentzero at si @aodhan
Yan yung gabi kamiy na umagahan sa paggawa nang proyekto namin at hindi na talga nakapag aral pa para sa exam namin.
HAHAHA ang saklap nang pangyayari.

Sana'y nagustuhan niyu mga kapatid, kapamilya, kapuso, kabarkada, kasteemit
Sumubok lang ako,

Nagmamahal,
@jcpuzs1

Sort:  

ako'y namangha at napaiyak mo kabayan haha

sadyang kaiyak2 iyak ang pangyayari. lalo nat na yari pa haha

Ramdam ko ang hirap at pighati. Napakahirap talaga ang kinuha nating kurso. Pero pag grumaduate, easy job! Hehe

Salamat sa iyong gawa @jcpuzs1

Best of luck, kabayan!

Walang anu at sinuman haha

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64605.91
ETH 3159.61
USDT 1.00
SBD 4.11