Philippine Poetry and Song Contest #1: Bespren - My Original Filipino Poetry
Bespren
Pren sa FB, kalaro at ka DOTA kung minsan
Magkaiba man ang uri, ito'y hindi hadlang
Tapat sa isat-isa upang tiwala'y di màsayang
Malapit ang kaarawan sa napakagandang asawa
Isang Kahilingan ng asawa'y hirap pag bigyan
Ang buhay ni Matsing sa asawa'y napagtripan
Gusto Kong lapain ang malusog niyang katawan
Upang mapanatili ang taglay Kong kagandahan
Isantabi ang pagkakaibigan, hiling ko'y pagbigyan
Nag- away ba kayo ng mahal mong asawa?
Sana ako'y makatulong sa iyong problema
Mababawasan ang stress, ikaw ay sasaya
Sa gitna ng ilog kay lamig ng hangin,doon ko isalaysay
Salamat..ako'y iyong pinabigyan, kaibigan Kang tunay
Dito sa gitna ng ilog, wawakasan ko ang iyong buhay
Ito'y lason pag nalunok sa aking tiyan
Kung gusto mo akong malasap at matikman
Sa tabi ng ilog, doon mo ako wakasan
Ako'y tatakbo na ha..ha..ha..ha..
Kawawa ka sa pabebe mong asawa
Sosyalera at masyadong ambisyosa
Hope You Like It, Maraming Salamat!
aliw!