Philippine Poetry and Song Contest #1: Balikan Ang Nakaraan - My Original Filipino PoetrysteemCreated with Sketch.

Balikan Ang Nakaraan

1.png

Naalala nyo pa ba ang mga bagay na ito?
mga gamitan noon ng ating mga ninuno
Mga bagay na nagbigay ng alaala
Sa modernong panahon ng teknolohiya

Sa naglagablab na apoy, galing sa kahoy
Dito nag luto at nagsaing si Inay
Sobrang init, ramdam nitong kamay
Tiyak ulam ay masarap, aming naamoy

Kung nais mong magsuot na walang gusot
Sa plantsa na ito gusot ay walang lusot
Mainit na baga ang syang kailangan
Sa pormahan ikaw'y di malalamangan

Kuryente ay wala pa sa kabihasnan
Ito ang gamit ng bawat tahanan
Ang ilaw na ito nagbibigay liwanag
Sa madilim na gabi, walang maaninag

Kay sarap balikan ang nakaraan
Noong panahon ng ating kabataan
Ibahagi ang ating mga naranasan
Sa ating mga modernong kabataan



Location: Philippines, shot using old camera phone
Hope You Like It, Maraming Salamat!

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 54016.63
ETH 2289.57
USDT 1.00
SBD 2.29