Philippine Poetry and Song Contest #1 - "Tunay na Kaligayahan"

in #wikang-filipino7 years ago

happiness.jpg

Tunay na Kaligayahan



Sa likod ng kanyang matamis na ngiti
Ay di inaasahang lungkot at pighati
Di niya sukat mawari
Lahat ng mga pangyayari

Mundo na tila kay saya at kay sigla
Bakit ramdam niya ang pag-iisa?
Maitim na ulap sa kanyang puso'y bumabalot
Buhay na puno ng kasakiman at poot

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito
Biglang may nagbukas ng pinto
Siya na dati ay nagtatago
Nakaranas ng tunay na pagbabago

Mga kamay na ngayon ay hawak niya
Puno ng pagmamahal at ng suporta
Pag-asa na noon ay di nakikita
Ngayon, kanyang tinatamasa na

Minsan, sa kabila ng magulong buhay
May mga tao pa ring kabutihan ang taglay
Kahit minsan ang hirap magtiwala
May positibo pa ring mapapala

Unang hakbang... ito ang pinakamahirap
Pero kailangang gawin kung tunay na kaligayahan ang 'yong hanap
Kung magkamali man at ikaw ay mahulog
Bangon lang... patunay 'yan na di ka pa hinog

Muling sumubok at huwag matatakot
Sabawat bagsak, karanasan ang napupulot
Sa tamang panahon, kasama ang pamilya at kaibigang totoo
Tunay na kaligayahan makakamit at mundo mo'y mabubuo



@tegoshei




Ito ang aking entry para sa Philippine Poetry and Song Contest #1 (https://steemit.com/wikang-filipino/@jassennessaj/announcing-philippine-poetry-and-song-writing-challenge-gumawa-ng-sariling-tula-o-kanta-at-manalo-proyektong-naglalayong)


Maraming salamat sa mga taong bumuo ng patimpalak na ito lalung-lalo na kay @jassennessaj. Isa itong magandang oportunidad para sa mga Pilipinong mahilig lumikha ng tula at kanta.


Kahit ako ay Pilipino, hindi ako masiyadong sanay mag-Tagalog, kaya ang mga patimpalak na ganito at ang komunidad ng mga Pilipino at mga taong may pusong-Pinoy dito sa Steemit ay lubos kong pinasasalamatan.



MABUHAY ANG PILIPINAS!!!




Maraming salamat sa pagbasa ng aking akdang tula. Sana ay nagustuhan nyo ito.
Mahal ko kayo, @tegoshei

Sort:  

Ito'y napakaganda! :) Salamat sa entry @tegoshei.

Best of luck :) <3

maraming salamat... :)

Bessshh. Ang lungkot naman nung start. 💔 I think madaming nagiisip ng ganyan, pero laging at the end of the tunnel, there is light. Chariiing.

Galing, galing! 😊 Pinroblema mo pa yung tagalog mo diyan, ah. Di halata girl. HAHA.

hahaha... ganyan talaga besh.. bipolar kasi, minsan depressed kadalasan manic. hahah... jkjk~

pasalamat aq kasi written... may time para mag-isip... kung oral pa to besh... nganga... hahahaha... xD

salamat ng marami... 😍😘

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 61703.75
ETH 2432.41
USDT 1.00
SBD 2.63