Philippine Poetry and Song Contest #1, L.D.R. (Long Distance Relationship)

in #wikang-filipino7 years ago



Tayo ma'y pilit pinagkalayo
Pero ang pagmamahal ko sa'yo aking sinta,
Ay hinding hindi magbabago
Anu man ang mangyari sa atin.

Sa relasyong ito,
Lahat ay aking gagawin
Upang hindi ito masira ng sinuman,
Magiging centro natin ang Panginoon Diyos

Upang tayo ay maging matatag
At kasingtibay ng isang punong
Kailanman ay hindi matitinag
Kahit ilang bagyo pa ang dumating.

Alam kong mas marami pa tayong pagdadaanan
Marami pa ang hahadlang sa relasyon natin
Pero alam kong malalampasan natin ang lahat ng iyon
Basta may tiwala lang tayo sa kanya.

L.D.R. man kung kanilang tawagin
Imposible daw magtagal, sabi ng iba
Sabi ko naman, walang imposible sa taong nagmamahal,
Lalo ngang dito nasusubukan ang katapatan.

Itaga mo sa bato
Na ika'y aking mamahalin ng buong puso
At kailanman ay hinding hindi ipagpapalit
Magbago man ang ikot ng ating mundong ginagalawan.

Kahit abutin man ng kung saan,
Kahit makarating ka pa sa buwan,
Ang pagmamahal na tunay at wagas
Kahit sa kabilang mundo man ay hindi makakayang hadlangan.

Nagmamahal,

TED

Images:

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7
Source 8

Sort:  

Kayganda, kabayan! Tunay ngang hindi hadlang ang distansya sa pagmamahalan.

Salamat sa iyong gawa @ted7.

Best of luck, kabayan!

Salamat sa pagkomentaryo mo kabayan! talaga namang "love conquers all" ika nga.

Resteemed your article. This article was resteemed because you are part of the New Steemians project. You can learn more about it here: https://steemit.com/introduceyourself/@gaman/new-steemians-project-launch

This post has received a 1.93 % upvote from @booster thanks to: @ted7.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 59176.07
ETH 2667.95
USDT 1.00
SBD 2.42