Philippine Poetry and Song Contest #1 : "Panalangin"

in #wikang-filipino7 years ago (edited)

Magandang araw po sa lahat dito sa komunidad ng Steemit lalung-lalo na po sa kapwa ko Pilipino. Ako po ay lubos na nagagalak sa ganitong uri ng patimpalak. Nabibigyan po ng pagkakataon maibahagi ang talento ng mga Pilipino sa paggawa ng tula at kanta sa sarili nating wika. Isa po itong paraan upang maipakita sa buong mundo ang galing ng mga Pilipino.

Maraming-maraming salamat po @jassennessaj lalung-lalo na po @donkeypong at sa lahat ng bumubuo ng patimpalak na ito. Nawa'y patnubayan kayo ng Poong Maykapal.


**Eto po ang aking akda:**

Panalangin

image

Oh kay sarap isipin na meron ikaw, ako at tayo!
Subalit kay sakit isipin na di pa nagtagpo.
Gustuhin man natin magtagpo,
Tadhana ang naglalayo.

Sa paggunita sa ating nakaraan,
May lungkot sa ating puso't damdamin
Pangako sa isa't isa ay nagbibigay pag-asa
Kaylan man ay di masisira.

Sa bawat paglipas ng panahon,
Halos nawawalan na ng pagkakataon.
Ngunit di pa rin bumibitaw sa isa't isa
Panalangin ang tanging sandata.

Kahit anumang pagsubok kakayanin
Basta't ang bawat isa ay lumalaban
Lumalaban sa hamon ng buhay
Makakamtam din ang tamis ng tagumpay.

Dalangin ng bawat isa,
Magandang kalusugan
Makulay at maligayang buhay
Nawa'y dinggin ng Poong Maykapal
Aming munting panalangin.


Yan po ang aking kathang ngayon ko lang ginawa. Hindi namamalayan umaagos ang aking luha sa lungkot na nadarama.

Hanggang dito na lamang po.

Nagmamahal @shikika

image

Sort:  

Mabuhay! Mabuhay lahat ng Pilipino! Mabuhay ang bawat isa! 😀😀😀😀💖💖💖💖

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 60228.69
ETH 2428.23
USDT 1.00
SBD 2.45