Philippine Fifty-Word Story Contest, "Ang Utang Binaon Sa Limot"

in #wikang-filipino7 years ago (edited)

Magandang araw po sa lahat at sa mga kababayan ko dito sa mundo ng Steemit. Ako po ay lubos na nagagalak at nagpapasalamat sa mga taong nagbibigay buhay sa ating sariling wika.

Ako po ay nagbabasakaling mapansin ang aking kwento para sa patimpalak na ito. Eto po ay hango sa aking buhay at alam ko po na marami sa atin ang may ganitong karanasan. Sana po ay hind pa ako huli at mabasa niyo pa po.

Narito po ang aking kwento:



Ang Utang Binaon Sa Limot

image

Ang perang pinaghirapan
Pinag-ipunan ng mahabang panahon
Hiniram ng walang kahirap-hirap
Pinangakuang mababayaran
Ako'y sobrang nagtiwala
Ngunit naglahong bigla
Lumipas ang maraming araw, linggo, buwan at taon
Kahit piso walang natanggap
Aasa pa ba ako na mababayaran mo pa?
O ibabaon ko na lang sa limot?
Katulad ng iyong ginawa.



>Nakakalungkot lang isipin na ang iyong perang pinaghirapan ay iyong pinahiram at nalimutan ng bayaran.

Sa mga meron po mga pinagkakautangan diyan huwag na huwag niyo pong kalilimutan ang magbayad. 😀😀😀

Hanggang dito na lamang po mga kababayan. 😀😀😀

Steem On! 😀😀😀

Sort:  

Experience ko din yan kabayan, sa mga kaibigan ko pa.

Nakakalungkot talaga kabayan. Yung taong tinuring nating kaibigan at sobrang pinagkatiwalaan ang gagawa sa atin ng ganun. Maraming dahilan pa ang sinasabi. Tayo na lang ang nahihiya maningil. Hanggang sa hindi na sya magttxt or sasagot sa tawag. Hindi na rin magpapakita. Ang kaibigan naglahong parang bula.

Bakit kaya may mga taong ganon ano? Hayaan mo nalang kabayan, kikitain mo pa yan, pero alam ko ang tiwala hnd na maibabalik pa.

Kaya nga kabayan. Naalala ko lang po kabayan kaya naisali ko na rin sa patimpalak. 😀😀😀 wala na yun sa akin 😀 dalawang taon mahigit na ang nakalipas.

Hahaha...Napako na. Good luck sa contest, sali ako sa sunod.🙂

Hahaha. Pwd ka pa sumali ngayon 😀

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by shikika from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

This post has received a 0.24 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.14
JST 0.028
BTC 59404.52
ETH 2610.92
USDT 1.00
SBD 2.41