Philippine Poetry and Song Writing Contest # 1 : " Ang Pagiging Pilipino.. Oh Pilipinas, Bayan Kong Pinagmulan! "
Magandang Araw po sa lahat na Pilipino sa buong mundo! :) Ito nga po ay aking pangalawa't final na entry sa patimpalak na ginawa ni @jassennessaj ^_^ shoutout to the evenr creator and judges!!! Best wishes..
Tanong ko lang po. Sino po dito ang proud bilang isang Pilipino? Yun bang hindi kinakahiya ang lugar na pinagmulan? ang Pilipinas na siyang Perlas ng Silangan! Sino po dito ang handang ialay ang sariling buhay, katapatan at paglilingkod sa lupang sinilangan at siya na ring kinalakihan? Ikaw ba ay tunay na proud sa iyong pinanggalingan? Ikaw ba ay may paninindigan at handang ipagtanggol ang sarili mong bayan? Well, para po ito sa lahat ng Pilipino!!! MAG - INGAY MGA PINOY!!!! Sana po'y inyo itong mabasa. Tulang aking kinatha upang ipaalam sa buong mundo na PILIPINO AKO! PILIPINAS ANG BAYANG PINAGMULAN KO! Wag kalimutang e resteem at e upvote :) ^_^ salamat in advance!
Ang Pagiging Pilipino.. Oh Pilipinas, Bayan Kong Pinagmulan!
Sagana sa yaman, yamang dagat man o yamang lupa,
Mga tanawing tila paraiso, malinis at kamanghamangha,
Orihinal at buong pusong ginawa ng Amang Bathalang may likha.
Dugo't pawis koy iaalay pati sariling buhay na malaya,
Taas noo kong ipapangalandakan sa buong mundo,
Pilipinas, Pilipas, Pilipinas, ikaw ang nag iisang bayan ko!
Iba't - iba man ang grupong kinabibilanga't kinalakihan,
Iba't - iba man ang mga lugar na aming pinagmulan,
Sa puso't diwa'y iisa ang bayan naming pinakamamahal.
Dayuhan man sa ibang bansa, may tibay parin ng loob,
Nakangiti kahit dumaranas ng sandamakmak na trahedya,
Hindi nagpapatalo kahit anumang klaseng problema.
Sa tulong ng Poong Maykapal, oh Perlas ng Silangan,
Pilipinas, ikaw ay lupang hinirang, bayan ng magigiting,
Watawat mo'y ibabandira't siya'y bukod tanging magniningning.
Saan man mapadpad ay patuloy na nakikipagsapalaran,
Anumang mangyari'y kultura'y hindi parin kinakalimutan,
Ganyan ang pagiging Pilipino't pagmamahal sa'yo oh Bayan ko!
Maraming salamat sa iyong gawa kabayan! Yan ang pinoy! 💗
maraming salamat kabayan sa walang sawang suporta :) @mikekenmikekenlytungal
Congratulations @rejzons! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of posts published
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
https://steemit.com/steemit/@mehdicrypto/congratulations-on-the-occasion-of-eid-al-adha