Philippine Poetry and Song Contest #1, "Umibig sa Kathang Isip"
Malayo ang agwat at di mag-abot
Napupuno ng kaba at kaunting takot
Pero kahit ganito ay sasabihin ko
Ang nilalaman ng pusong ito
Na sinisigaw ang pangalan mo
Notice me senpai
Pansinin mo naman ako
Alam mo bang matagal narin kitang gusto
Nung una akala koy simpleng paghanga lang
'Tong nararamdaman ng puso ko
Notice me senpai
Di mo ba talaga napapansin
Taong tulad ko na sayo'y may pagtingin
Kahit man lang ngiti mong kay tamis
Ang puso kong ito'y di makapagtiis
Sana man lang ay malaman mo ito
Damdamin ko sayo ay totoong totoo
Sabihin mang paghanga lang ang damdamin ko
Hindi ko hahayaan na mawala sa puso ko
Ang sayang dulot ng mga ngiti mo
Parang ulol at nabubuwang na
Di mapigil at akoy natotorete pa
Sadya bang ganito ang magmahal
Kakayanin kahit sobrang tagal
Kahit ang puso ko ay nasasakal
Mapansin mo lang ay ayos na
Dahil alam kong walang tayong dalawa
Ibang mundo ang kinalalagyan mo
At kahit ano mang gawin ay di magtatagpo
Dahil ikaw ay di naman totoo
Kahit ganun paman ay okay lang sakin
Dahil pinuno mo ang aking damdamin
Salamat narin at di nasaktan
Ng pag-ibig na totohanan
Di ko yata kakayanin yan
Kaya notice me senpai
Kasi ikaw lang ang nagbibigay saysay
Sa puso kong hindi pa nabibigay
Sa taong dapat kong mahalin
At tunay na iibigin
Hahayaan nalang ang panahon ang magtakda
Magpasalamat sa may akda
Sa iyong tagapaglikha
Ikaw na muna sa ngayon
Dahil hindi pa panahon
Sino kaya ito. Napakaganda! Maraming salamat sa iyong gawa @rakerumon!
Best of luck, kabayan!
Tama!