Philippine Poetry and Song Writing Contest #1, "Ang Paghukom"
Ang tulang ito ay inaalay ko sa mga inosenteng namatay sa gitna ng kampanya kontra droga ng pamahalaan. Ikasiya niyo sana ang pagbasa.
Mga usapang nagsisimula sa kalabit ng gatilyo
Kamay na bakal na nga raw ang bagong prinsipyo
Kulay kayumangging nabahiran ng pula
Nang mga taong bulag at balang may mata
Madidilim na gabi at mga asong ligaw
Malalakas na putok at malulungkot na hiyaw
Pagsilip ng araw, nagkalat ang patay
Mga luha ng anak sa amang walang buhay
Pulbos na hiyas sa kanyang bulsa,
Baril sa kaliwang kamay at basyo ng bala
Ano pa ang patunay na kailangan?
'Pagkat siya ay nagkasala na, bago pa iharap sa hukuman
Napakaganda! Salamat sa iyong gawa @lordkingpotato!
Best of luck, kabayan!
Maraming salamat po sa pagbasa! Sir @jassennessaj