Philippine Poetry and Song Contest #1, "Ang Nag-iisang Hindi ka Iiwan"

"Ang Nag-iisang Hindi ka Iiwan"


Image credits to pinterest.com

.
.
Marahil ang isip natin ay nakatuon
Sa mga bagay na marahil ay gugugol ng mahabang panahon,
Nag-iisip, naghahanap, gumagawa ng paraan
Nagwawaldas ng salapi para lamang kasiyahan ay makamtan
Naghahanap ng taong hindi ka iiwan
Nang kapirasong pagmamahal ay maramdaman
Sa taong pinagbuhusan mo ng lubos mong pagmamahal
Yun pala sa huli mo matutuklasan na may iba syang mahal

Nadurog ang puso mo't kaluluwa
Nasira ang buhay, nagmahal nasaktan at gumawa ng masama
Hindi mo lubos maisip kung bakit nagkaganito ka
Ngayon hindi mo alam kung saan ka na patutungo
Mga kaibigang akala mo'y totoo unti-unti ng naubos
Buhay mo ngayo'y parrang sigarilyong dahan-dahan ng nauupos
Dahil mukha yatang imposible ng may magmahal
Sa tulad mong isang hangal

Sa kabila ng iyong mga kabiguan,
May isang tao na mabuting balita ikaw ay binahaginan
Sa huling sandali ikaw ay nagsisi at kasalana'y tinalikdan
Bigla na lamang may kumatok sa puso mo
Mahal kita "anak" hindi kita iiwan
Hesus ang aking pangalan
Mundo man ikaw ay talikuran
May isang Ako na hindi ka iiwan,
Mula sa orihinal na tula ni @julstamban.

 ................................. FOLLOW,UPVOTE, RESTEEM          ......................

Salamat sa pagbasa ng aking munting tula mga kabayan.

Sort:  

So true, keep the faith. :)

Yeah thanks, will do :)

Napakagandang paghahayag ng Mabuting Balita tungkol sa Panginoong Jesus, idinaan mo sa tula. Pagpalain ka nawa ng Panginoon, ganun din ang lahat ng mga nakabasa nito...

Salamat Pastor :)

Ang ganda! Salamat sa iyong gawa @julstamban!

Best of luck, kabayan! :D

Salamat kabayan

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 59986.17
ETH 2417.93
USDT 1.00
SBD 2.45