Philippine Poetry and Song Writing Contest #1, "Pag-ibig ng Isang Lalakeng Torpe".

in #wikang-filipino7 years ago (edited)

Magandang Hapon Kabayan!

Napakahirap umibig kapag ikaw ay torpe. Hanggang tingin nalang tayo mga bes!

Hindi valid na entry ang post na ito (Dahil ako'y kabilang sa hurado). Ninanais ko lang na sumuporta at magbigay halimbawa sa aking Paligsahan :

Philippine Poetry and Song Writing Contest

Rejection.jpg

Photocredit : http://www.livluv.com

"Pagibig- ng Isang Lalakeng Torpe"

Hindi ko lubos maamin, aking lihim na pagtingin,
Sa tulad mong kaakit-akit, kilos ay napakahinhin.
Kaba'y pinapangunahan, di tiyak ang gustong gawin,
Ika'y laging nasa isip, pangalan mo'y bulong ng hangin


Kilos ay nag-aalangan, puso't isip ay nag-aawayan,
Pag-ibig mo'y hinahangad, puso mo'y pakaiingatan.
Kaso nga lang Torpe ang taong katulad ko,
Olats kapag may lalaking manligaw sa iyo.


Ika'y pangarap na pilit kong tinutupad,
Kapag kasama kita ako'y parang lumilipad.
Pinipilit kong maging isang inhinyero,
Para mas maging panatag ang loob mo.


Hinding-hindi ka iiwan, pagsubok ay ating haharapin,
Kahit maging maputi man ang mga buhok natin.
Ikaw ang tanging hinahangad, oh aking iniibig,
Pangako, ikaw ang una't huli kong pag-ibig.


Nawa'y nagustuhan mo, kabayan!

Sumali sa ating Discord channel "Steem Philippines". Narito ang link :

https://discord.gg/phN8Frw

Lubos na nagmamahal,

@jassennessaj

Sort:  

Thanks much for appreciation <3

your welcome

Ayos! Pare ko 😊 @jassennessaj 😉.

ok naman kaya lang hindi masyadong flowing yung rhyme :)

Napakagaling mo, Jas! 👏 Ito ba ay base sa iyong karanasan o kathang isip lamang? Parang may pinaghuhugotan ka eh. Haha! 😜

Sana maisip mo na ito'y kathang isip lamang @belvaj 😊. Walang halong hugot yan, hugot na daan. Hahaha 😂😂

Ay iba.!! Alam kong ikaw ay may pinaghuhugutan. Haha. Good job @jassennessaj

Hahahaha! May pinaghuhugutan nga ba? Aba'y tula lang iyan @queenjventurer 😂

My vote was casted and you deserve it. Nice poetry @jassennessaj :D keep it up.

Naks ang sweet naman!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63960.62
ETH 3142.95
USDT 1.00
SBD 3.95