Paumanhin sa Naantalang Pag-Anunsyo sa resulta ng "Philippine Poetry and Song Writing Contest" - Pagpapaliwanag at Pagbibigay Impormasyon sa Panibagong Paligsahan!

Magandang Gabi Kabayan!

Philippine Poetry and Song Writing Contest.jpg

Una sa lahat, ako'y lubos na nagagalak sa mainit na pagtanggap at paglahok ninyo sa paligsahang naglalayong mapagyaman ang sariling atin, Ang wikang Filipino. Taos puso akong nagpapasalamat sa inyong mga gawa, napakagandang mga gawa!

Sa paligsahang ito, nagkaroon tayo ng 40 entries na syang lalong nagpahirap sa ating mga hurado. Apat-napung mga gawa ang kelangan nilang hatulan, isa sa mga dahilan kung bakit naantala ang pag-anunsyo sa mga mapalad na mananalo bukod sa napatagal ang payout.

Ang mga naging hurado sa paligsahang ito ay sing : @juvyjabian, @erangvee, @deveerei, @pjmisa, @dreamiely, @cloh76, at ako @jassennessaj. Pagpapatunay na magiging patas at transparent ang paghatol sa paligsahang ito.

Sa ngayon, talagang nahirapan ang ating mga hurado na humatol sa lahat ng mga entries dahil sa napakaganda ng inyong mga gawa at sa dami ng mga sumali. Ang resulta ng paligsahan ay i-aanunsyo bukas ng umaga.


Panibagong Paligsahan, Panibagong pagyaman sa ating Sariling Wika

Bukas kagabihan, aking iaanunsyo ang kumpletong detalye ng pagpapatuloy ng panibagong paligsahan. Upang maging mas maganda, ibang genre naman ang ating susubukan bukod sa tula at kanta. Ito'y magiging mas exciting! Aasahan ko ang inyong muling paglahok!

Sa mga hindi nakasali, kayo'y inaanyayahan kong lumahok upang mas mapagyaman pa ang wikang atin. Ibig kong wikang Filipino ulit ang ating gamitin upang makalahok ang lahat ng mga Pilipino.

Ang Gantimpala ng susunod na Paligsahan

Winner : 50 SBD !! (Courtesy of @cloh76)

1st runner-up : 50% of Liquid SBD + 5 SBD

2nd runner-up : 30% of Liquid SBD + 3SBD

3rd runner-up : 20% of Liquid SBD + 2SBD

Maraming salamat sa ating mga isponsor : @donkeypong at @cloh76. Tulungan nyo akong pasalamatan ang mga mabubuting tao sa likod ng paligsahang ito. Mahal namin kayo!

At kung nais mong tumulong o sumuporta sa paligsahang ito. Ikagagalak namin at ito'y malaking tulong sa pagpapatuloy ng paligsahang ito. @jassennessaj

Maraming salamat sa inyong suporta at pag-unawa.

Sort:  

Mabuhay ang nagpatimpalak at MABUHAY ANG WIKANG PILIPINO!

Salamat @iwrite. Aasahan ko ang iyong paglahok sa susunod na paligsahan!

Okay lang yan @jassennessaj. Maraming salamat sa supporta
@donkeypong at @cloh76. Nawa'y gantimpalan kayo nang higit pang biyaya ng maykapal.

Hehehe. Napakahirap tlga maging hurado. Naiintindihan po namin. Maghihintay kami at tiyak na sasali sa susunod na paligsahan.

Marami pong salamat sa inpormasyon @jassennessaj 😊. Ipagpatuloy po ninyo ang mabuting gawain at kayo po ay pagpapalain 😉.

Marami pong salamat sa inpormasyon @jassennessaj 😊. Ipagpatuloy po ninyo ang mabuting gawain at kayo po ay pagpapalain 😉.

Salamat po sa mga sumuporta sa laro lalo nah sa nga sponsor,sir Tom @donkeypong at sa ating kababayan na si sir @cloh76..more power and God Bless

Go lang nang GO !!!!

Nais ko rin pong magsumite ng aking paglahok sa patimpalak na ito.

Salamat po, napakaganda ng wikang Filipino.

Congrats ulit sa mga nanalo. Mabuhay! :)

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58679.35
ETH 3155.04
USDT 1.00
SBD 2.44