Philippine Poetry and Song Contest #1, "HUNI NG MGA PANGARAP"

in #wikang-filipino7 years ago (edited)

unnamed.jpg

O diwa ng buhay ko, sa iyong pakpak ikampay
Panulat at papel ang sandatang taglay
Lawak ng isipa't pagnanasa ang tanging gabay
Tanging sa'yo lamang pangarap nakasalalay

O diwa ng buhay ko,
Gumawa ka ng simpleng tula
Tulang tatatak sa puso't isipan ng mga bata
Tulang puno ng aral para sa lahat ng isipan
Gabay sa pagtahak sa landas na patutunguhan

O diwa ng buhay ko,
Bumuo ka ng simpleng dula
Dulang maaring mai-alay sa puso ng mga dukha
Dulang puno ng pag-ibig, pag-asa at ligaya
Upang maibsan ang lungkot at hirap nila

O diwa ng buhay ko,
Humabi ka ng makabuluhang awit
Awit ng pag-asa upang pangarap ay makamit
Makabuluhang awit ng isang taos na pag-ibig
Alay ay pasasalamat sa bungang dulot nitong daigdig.

Sort:  

Kayganda! Maraming salamat, kabayan!

Best of luck :)

nababanaag ko na ikaw ay mahiyain! :)

Pano mo nalaman @pjmisa? :)

matanda na kasi ako :) :) :)

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 64432.28
ETH 2648.26
USDT 1.00
SBD 2.78