Hanggang Sa Muli Aking Sinta
![IMG_20180720_075917.jpg](https://steemitimages.com/640x0/https://cdn.steemitimages.com/DQmPYWSamAtNs2ZCwUxQSzyQCsShueExdJXDCWkHi64Q6Tv/IMG_20180720_075917.jpg)
Nakaharap sa salamin
Iniisip pa rin
Kung ano ang mali sa akin
Di kagwapuhan
Isipang puro kabobohan ang laman
Walang talento't hindi mayaman
Kaya rumesulta bilang isang katatawanan
Ngumiti ng mapait
Dinadama ang sakit
Ngayo'y alam ko na kung bakit
Ang buhay ko'y puro lait
Pasensya ka na
Dahil hindi ako makisig
Hindi ako yung tipo na
Maipagmamalaki mo sa iba
Kaya ngayon alam at tanggap ko na
Kung magkakagusto ka sa kanya
Sino ba naman ako diba?
Wala nga akong panama sa kanya
Hiling ko lang sana'y maging masaya ka
Hanggang sa muli aking sinta....
Your Steem Buddy,
@nickjon
photo is mine captured by vivo y66 with 16 mega pixels camera