Bakit Ako?
Bakit Ako?
Sila din ay unti-unting lumalabas
Yung mga katangian nilang wagas
Na kung ika'y aatakihin ay parang ahas.
Kung papalibutan ka nila'y parang di ka makalabas
Yung natatakot ka kung meron pa bang bukas.
Kaya mag-iingat ka
Dahil pag-ika'y makikita nila
Baka ikaw naman ang susunod na biktima.
Hindi ko nga alam
Kung bakit ako pa ang ginagawang ulam.
Yung hindi mo na nga pinapansin,
Oy bes! Siguro gusto din nila ako maging kanin.
Pero heto pa rin ako,
Hindi lumalayo
Dahil wala naman akong ginagawa na nakakainit sa kanilang ulo.
Yung kunting galaw mo lang,
Ay hala, kumukulo na naman ang dugo nila.
Kaya okay lang,
Oo okay lang talaga sa akin
Kung sa akin meron silang kinikimkim
Dahil kung ating iisipin
Siguro, sila lang ay insecure sa akin.
Your Steem Buddy,
@nickjon
photo is mine capture with vivo y66 with 16 mega pixels camera