10 klase ng Titser kapag may Inset/Seminar...
- The Hungry - mahilig sa kutkutin., bukod sa notebook at ballpen puro chichirya, kendi o anumang pagkain ang nasa bag, kala mo laptop ang dala.
- The Nerd - punong-puno ang mga notes... kahit hindi maintindihan ang sulat, sila 'yung laging pakinig na pakinig sa speaker ng seminar.
- The Reporter - ang pinakamaingay, laging kakwentuhan ang katabi lakas pang tumawa, kaya wala ng naisusulat na notes.
- The Security - shhhhhhh... tagasaway ng mga maiingay.
- The Copycat - sila ang mga medyo tamad magnotes kaya picture ng picture ng powerpoint presentation, minsan mismong notebook ng katabi ang pinipicturan... awra!
- The Time keeper - laging nakatingin sa relo... mahilig pumwesto sa likod hindi dahil sa takot siyang matawag, kundi para madali siyang makauwi dahil nga TIME na.
- The Birds- ang mga laging number one sa attendance at lagi ding number one sa uwian.. hehehe
- The Zombie - parang zombie sa paggewang ng ulo dahil gusto nang matulog, daig pa ang adik sa antok parang nagpapraktis ng pagpanaw
- the Clearer - laging may tanong, basta may maitanong lang kahit alam niya na ang sagot.
- The Invisible - nakalista ang pangalan o inilista ang pangalan pero wala sa seminar. Period.
#INSETBlues
Your Steem Buddy,
@nickjon
Photo is mine captured with vivo lite plus with 16 mega pixels camera