Huwarang Pamilya.
Kay gandang pagmasdan pamilyang huwaran;
Ang ama at ina ay nagmamahalan,
Mga anak nila'y magagalang.
Wagas na pag-ibig naghaharing tunay.
Mga anak nila'y sadyang mababait
Payo ng magulang laging dinirinig
At ang nadarama'y wagas na pag-ibig
Kaya't ang pagsunod ay bukal sa dibdib.
Sa hirap ng buhay ina'y tumutulong
Sa paghahanapbuhay nang may ipang-agdon.
Ngunit tinitiyak na sila'y may panahon
Upang mga anak, di mangaparool.
Ang ama ang siyang naghahanapbuhay.
Nagsisilbi naman, masipag na nanay.
Nililingap nila buong sambahayan.
Ang buong mag-anak ay nagdadamayan
Gusto n'yong malaman kanilang sikreto?
Ang dakilang Amang may lalang sa tao
Ang Siyang nilapitang may bagbag na puso,
Kaya't pinakinggan ang pagsusumamo.
Sila'y sama-sama sa panalangin
Sa Dakilang Amang may-ari sa atin.
Pinag-uusapan, mga suliranin,
Kapag bumabangon, agad nasusupil.
Great one
Thanks.
I just love how your poem goes! 😊
Thank you..
You are welcome! :)