Buhay May-bahay : The Wedding Day and the Honeymoon

in #untalented6 years ago

Buhay May-bahay : The Wedding Day and the Honeymoon.

Good day Steemians, I would like to start a series of stories that comes from real life.

image

Sabi nila, ang pag aasawa, ay hindi parang kanin na sinubo mo at pag napaso ka, iluluwa mo. Pwede mo naman lunukin, masakit nga lang, PERO panandalian lang.

Sabi din ng iba ang pag aasawa ay paglagay sa tahimik. Sabi naman ng iba, ang pagpapakasal ay pagpapasakal. (Depende yan, kung mahal mo ang pinakasalan mo. I heard my mentor says, "Marry the one you love, love the one you married.")

So starting this day, I will share to you ang buhay ng isang may-bahay.

Let us start with the Wedding Day.

.......

This is the day!

After all preparations!

This is it! Preparations means, pagiisip ng ideas, lugar ng kasal, mga invited, budget, at ibat iba pang kailangan, paghihintay ng ilang buwan. Heto na!

Well, hindi ko yan naranasan. A month or two months lang ang preparations namin. Medyo mabilisan ang sa amin. Sinimplihan lang natin.

I realized na, it's not about the beauty of wedding, but it's about the beauty of marriage. What really matters is the life after the wedding day.

But you can have both, if you want.

Madami kasi akong issue sa buhay.
Actually, immature pa ako during that time. And I see the wedding as way out to run from all brokenness. But I thank God for teaching me that it is not the way I see it.

So yun na nga. Sa kasal, di maiiwaaan ang mga issues; may hindi makakarating, magagalit ang ibang kamaganak na hindi nainvite, hindi nasunod ang suggestion ng parents or relatives. Sabi nga ni Daniel Padilla, "Di ko talaga maano..." Di talaga aiiwasan. Pero whatever the issues, TULOY ANG KASAL!

Hindi ko alam ang experience ng iba sa kasal. Pero ako, sa sobrang tense at kabado ko, hindi ako nakakain ng maayos, hindi din makangiti (panu ba kasi ang ngiti, pag sa picture ng kasal.) Pero ayun, dahil sa mga taong nasa paligid ko, at taong pinakasalan ko, alam ko na kung paano ngumit ang isang bride. Just enjoy the moment.

Andun halos lahat ng family and relatives. Kakaibang experience, when your family reunited.

image
MABUHAY ANG BAGONG KASAL!

THE HONEYMOON

Sooooo.. hmmm.. ayun! Naghoneymoon kami. Alam nyo na yun! Kailangan ko pa bang i-elaborate, na nagpunta kami sa hotel at kumain, at napagod at kumain at inenjoy ang malamig na aircon! 😁😁😁

After ilang days, we spent more of these in Baguio.

Yeeey! First time travel with my hubby!

Hindi ako mahilig magtravel, kasi di ako matandaain sa lugar. Naligaw nadin ako one time, kaya takot ako magtravel. Tapos malalaman ko, GI pala asawa ko 😂 Geographical Insane, un ata tawag nila dun. Pero what I loved is parehas naming nilakad ang kahabaan ng session road sa baguio, bitbit ang mga bagahe at hindi alintana ang pagod. Kasi malamig.

We spent 5 days there. Anung ginawa namin? Naglaro lang ng quantum sa SM Baguio for 1 day. Hahaha! Oo na, alam ko naman na may quantum din sa SM Fairview. Ewan ko ba bakit dun pa namin napagtripan. Hehehe!

Namili sa night market, tapos ung ibang binili ko, pwede ko naman mabili sa manila. Dahil nga first time ko mamili with my hubby, kahit anong gusto ko binili ko 😂😂😂 Mali pala un. Ang gastos. Ang bigat!

Upon weeks and months, marami akong nalaman sa partner ko. At, madami din syang nalaman sakin. Sometimes, iniisip ko, stop na. Ayoko na. Pero I thank God, because my hubby, never gave up. Buti na lang! Aminado ako na mahina ako sa trials. But I realized, when God united us, it's the perfect one. Mukhang hindi maganda ang nangyayari, but it has all purpose in the end.

PS. Walang pics nung nasa baguio kami, nawili kami sa tanawin 😂

After the honeymoon, we went back to manila and go back to work, ang tanong, saan kami titira???

To be continued...

NEXT: The New Home.

I am a proud member and follower of
@surpassinggoogle
@steemitachievers
@steemitfamilyph
@teamphilippines
@steemsecrets
@steemdump
@philippines
@busy

U5ds3fUhz59oL5WsSZyp5AXRcAeEcFk.gif

Sort:  

Hmm the unforgettable day n moments 😍❤👄

Yesss, indeed!
And we're all learning from everyone's story!

Not really @info4all, been married for 5 years 😊😊😊

Madami talaga trials sa buhay mag asawa, it takes two to tango, kaya dapat you work it out always sa partner mo. Nobody can perfect a relationship, but they can master to let love hold on to keep the relationship burning. Cheers🍻

@livskly, tama po.. Work out instead of walk out.

Mabuhay ang bagong kasal!! Ang kasal talaga sabi nga ng matatanda ay, parang mainit na kanin na hindi mo pedeng iluwa dhil nainitan ka. Marami mang problema ang dumating sainyo, bilang magasawa, kayo lang ay dapat magtulungan at suportahan ang isat isa. Marami man kayong pagdaaanan, ang mahalaga ay di kayo titigil magunawaan. Thanks for sharing your story :)

Thank you, @joninacalara.
We all have lovely stories. And really salute everyone who shares their story, it is full of inspiration and learnings.

one of the most unforgettable moment of our life:) keep sharing!!

Thanks @reginecruz, I will try all my best to share all my learnings sa Buhay May-bahay!

Congratulations @lalasison! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.029
BTC 69389.89
ETH 3686.50
USDT 1.00
SBD 3.37