KWENTULA NI @JOEYSISON "UMIBIG TAPOS INIWAN" - IKALAWANG YUGTO

in #untalented6 years ago (edited)

IKALAWANG KABANATA

bu.PNG

Lumipas ang panahon ng ako'y iyong iniwan
Sakit ng damdamin dama ng aking katawan
Gusto ko ng bumangon sa lahat ng aking kabaliwan
Tanong ko sa sarili, Dianne bakit ako'y iniwan?

Ako'y nag pahinga para bumalik ang aking sigla
Ako'y nasasabik sa magulang na gusto ko ng makita
Sapagkat sa aming bahay akoy nag iisa
Bumangon ako at nag ayos, para makita ko sila

bu2.PNG

Habang nag lalakad pauwi, ako'y nag bubulay bulay pa
Bakit aking sarili ay nag hihinagpis pa
Ian, Ian sabit ng aking mga labi
Iwanan ang lahat, ang mga alaala subukang isantabi

Sa gitna ng kalsada si Ian ay huminto
Pinikit ang mata at hinawakan ang dibdib nito
Nag bugtong hininga at lakas loob sinabi sa sarili
"Ang kasawian kong ito ay isang malaking pag kakamali"

Lumipas ang mahabang oras ng aking pag byahe
Natanaw ko muli ang aking magulang at lumang garahe
Sa sobrang saya nakalimutan ko ako pala ay may bagahe
Namiss ka namin, aming anak, yan ang kanilang sabi.

Ang aking kalungkutan ay dahan dahang napawi
Ang yakap at halik iyon ang na miss ko sa aking pag uwi
Salamat sa Diyos sa buhay ng aking mga magulang
Kahit kailan sa ating buhay hindi sila nag kulang.

bu1.PNG

Itutuloy........

Image Source: wikihow.com

Special thanks to the following, please follow them

@lalasison
@surpassinggoogle
@stemmitpowerupph
@teamphilippines
@steemitachievers
@steemitguide
@steemitfamilyph
@busy
@steemdump

Please leave your feedback in the comments! I love to hear it!!

Just in case you missed the
CLICK HERE -> UNANG YUGTO

Joeysison.png

U5ds3fUhz59oL5WsSZyp5AXRcAeEcFk.gif

Sort:  

wow ! bitin hehehe, pero sana maging masaya na sya sa susunod na kabanata:-)

Maraming salamat sa iyong pag basa
Sa aking kwento na parang patula.
Sisikapin ko na ikaw ay mapasaya
Dahil sa pag babasa doon tayo liligaya

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 64870.15
ETH 3489.66
USDT 1.00
SBD 2.54