"KABABAANG LOOB"-MY FILIPINO POETRY

in #untalented6 years ago (edited)

pray-2354614_1280.png


"KABABAANG LOOB"
Orihinal na katha ni:@blessedsteemer
🙏


Salitang nakakamangha at makapangyarihan,
May pambihirang nagagawa sa buhay ninuman.
Ngunit sadyang kay ilap ng kapalaran,
Dahil iilan lang ang mayroon nitong katangian
.


Katangiang marami ang nagagawa,
Kapag mayroon ka nito,bukod tangi ka at pinagpala.
Dahil pagpapatawad ay iyong mgagawa,
Kung kababaang loob ay nasa puso mo't diwa
.


Aking nabasa sa aklat ng kabanalan,
Isang babaeng dinudugo ng ilang taon at buwan.
Pagdurugo niya ay huminto at gumaling ang kanyang karamdaman,
Dahil sa pananampalataya at pusong may kababaan
.


Pagsisi at pagtalikod sa kasalanan ay hindi madali,
Sa mga taong ayaw makinig at walang pasubali.
Pag amin sa mga nagawang kasalanan,
Napakahirap sa mga taong mataas ang kalooban
.


Kaya nga pagpapakumbaba sa atin ay itinuro,
Para makalaya sa poot at hinanakit sa puso.
Para pagpapala ay ibubuhos ng sunod sunod,
Sa mga taong may kababaang loob na sumusunod
.


Isang simpleng salita ngunit napakahirap gawin,
Lalo na kung pagmamataas ay nasa puso natin.
Kaya nga pagpapakumbaba ay dapat isapuso natin,
Upang tayong lahat ay pagpalain
!


Maraming salamat sa inyong pagbasa sa aking munting tula, at sana po ay nagustuhan nyo ang aking munting akda. At sana nagustuhan nyo ang nais iparating ng aking tula.😊 Mabuhay po tayong lahat! Pagpalain tayo ng Panginoon!😇

Ang inyo pong lingkod;
@blessedsteemer
🙏


blessedsteemer.png

QmQMv2EQTAfvizBChe6TZfeZQMrZVpwxzDHFs9fnthE33G.jpg

gvlogoforfooter.png

DQmWhDkre5tzTuCvheN7YW8vAvMKR63r6zU6RUbfssLptHu.png

Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him here and type in "steemgigs" in the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, on that same page type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Support his other brainchild projects like #untalented, #steemgigs, #teardrops, #steemsecrets and #ulogs. Thank you!

Vote also my witness: @ausbitbank;@cloh76.witness and @good-karma!😊

received_1948987111801248.png

This post was made from https://ulogs.org

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 60569.12
ETH 2442.20
USDT 1.00
SBD 2.52