A Tagalog Poetry (Ika'y kakaiba)

in #uniqueness7 years ago




Ilang panahon pa ba ang kailangan mo?
Upang masabi sa sarili na sapat na ako
Ilang pagkakataon pa ba ang palalampasin mo
Dahil lang sa duda sa iyong pagkatao

Ika’y kakaiba
Hindi ito kailangan malaman ng iba
Dahil ito ay nagsisimula sa sarili mo muna
at huwag mawalan ng pag-asa
Darating din ang mga bunga
ng iyong pagsusumikap

Sa ilalim ng lilim nag-iisip ng malalim
Kung ano ang gagawin
Sa sarili upang mabigyang nining
Ang iyong mga nais marating



Ika’y kakaiba
Sapagkat may sarili kang kakayahang di kaya ng iba
Tiwala sa Diyos ang gawin mong sandata
Upang maibsan ang pangamba
At pangungulila sa mga kahapong di mo inakala
na mararating mo sa twina

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.18
JST 0.034
BTC 88157.98
ETH 3083.80
USDT 1.00
SBD 2.74